Thursday, April 6, 2023

Kalinaw News: Mga miyembro ng KRCV nagbalik-loob sa pamahalaan; matataas na lakibre ng baril isinuko!

Posted to Kalinaw News (Apr 4, 2023): Mga miyembro ng KRCV nagbalik-loob sa pamahalaan; matataas na lakibre ng baril isinuko! (KRCV members converted to government; high caliber guns surrendered!)



CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela- Kahirapan sa loob ng teroristang grupo ang nagtulak sa dalawang miyembro ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV) na magbalik loob sa pamahalaan at isuko ang apat na matataas na uri ng armas sa Sitio Regaay, Hacienda Intal, Baggao, Cagayan nito lamang ika-2 ng Abril taong kasalukuyan.

Ang dalawang dating miyembro ng KRCV ay inakay ng kasundaluhan ng 501st Infantry Brigade. Ayon sa kanila, hindi na nila kinaya pa ang pagtatago sa pwersa ng pamahalaan dahil gutom at pagod lamang ang kanilang nararanasan. Sila ay napasama rin sa nagdaang engkwentro mga bayan ng Baggao at Gattaran nang nakaraang buwan.

Matapos ang kanilang pagbabalik-loob, ipinagbigay alam din nila ang kinaroroonan ng isang arm cache na naglalaman ng dalawang bushmaster rifle at dalawang M16 rifle.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng 501st Infantry Brigade ang mga baril para sa kaukulang disposisyon habang tutulungan ang mga former rebels sa pagproseso ng mga dokumentong kakailanganin para sa kanilang benepisyo sa ilalim ng firearm renumeration ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Nanawagan naman ang mga nagbalik-loob sa kanilang mga dating kasamahan na talikuran na ang armadong grupo dahil sa walang kinahahantungan ang kanilang pakikipaglaban sa pamahalaan. Anila, hindi na nila kailangan pang magtiis ng gutom at pagod dahil mayroong gobyerno na handa silang tanggapin at akayin sa pagbabagong buhay kasama ang kanilang mga pamilya.

Samantala, ayon naman sa Provincial Task Force-ELCAC ng Cagayan, gawin nang pagkakataon ang paggunita sa Mahal na Araw upang makapagnilay-nilay, malayo sa karahasan at makapag-bagong buhay.




[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/mga-miyembro-ng-krcv-nagbalik-loob-sa-pamahalaan-matataas-na-kalibre-ng-baril-isinuko/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.