Thursday, April 6, 2023

CPP/NPA-Masbate: Sama-samang kumilos laban sa malawakang pangangamkam ng lupa sa Masbate

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Apr 4, 2023): Sama-samang kumilos laban sa malawakang pangangamkam ng lupa sa Masbate (Act together against mass land grabbing in Masbate)
 


Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

April 04, 2023

Tulad sa kanyang ama, galit at kinamumuhian ng masang Masbatenyo ang rehimeng Bongbong Marcos Junior. Higit na nasusuklam sa kanya ang mga magsasaka sa Masbate.

Walang ipinagkaiba ang anak sa kanyang ama kung paano nito inaaagaw ang lupang sakahan ng mga magsasaka sa prubinsya. Kasabwat ang lokal na mga upisyal (lokal na naghaharing-uri) sa Masbate, tahasan nitong minanduhan ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na itaboy ang mga magsasaka sa kanilang lupain. Ang sinumang magmatigas na umalis sa kanilang lupang sakahan ay walang awang pinapaslang ng militar at pulis.

Hinawakan ni rehimeng Marcos Junior ang Departamento sa Agrikultura upang matiyak ang mas mabilis na pang-aagaw ng lupa at makapagkamal ng mas malalaking kurakot.

Ang mga sakahang pinag-iinitang dambungin ni Marcos Junior sa Masbate ay ang mga lupaing dating inangkin ng kanilang pamilya sa panahon ng kanyang amang diktador. Nabawi ang nasabing mga lupain matapos maipagtagumpay ang ilang dekadang buhay-at-kamatayang pakikibaka ng mga magsasaka. Kasabay ng pagpatalsik sa dating rehimeng diktadurang Marcos, tuluyang napahina ng kilusang magsasaka ang kapangyarihan ng mga malalaking haciendero at rantsero sa prubinsya.

Hindi pa man nagtatagal sa pwesto bilang pangulo ng bansa, ramdam na ramdam na ng masang magsasaka ang kawalan ng kabuhayan at matinding krisis dulot ng malawakang pangangamkam ng lupa sa prubinsya. Kasabay ng matinding pyudal at malapyudal na pagsasamantala, linulunod sa takot at teror ng armadong pwersa ni Marcos Junior ang masang Masbatenyo.

Linalayon ng rehimen na isaksak at tadtarin ng mga neoliberal na proyekto ang prubinsya kapalit ng kakarampot na buwis at suhol. Daan-daang pamilya at magsasaka ang napapalayas sa kanilang sakahan dahil sa pagpasok ng proyektong eko-turismo, mina, pagrarantso at pagtatayo ng paliparang pang-internasyunal sa Masbate.

Ginagalugad ng mga militar at pulis ang mga lupaing target sa ekspansyon ng mina at pagtatayuan ng paliparan. Bantay sarado ang nababakurang mga malalawak na rantso at mga nakatayo nang mga istrukturang pang-negosyo at makadayuhan. Habang ipinagbabawal sa mga magsasaka ang pumasok maging ang lumapit sa nasabing lugar.

Ngayong Abril sa paggunita sa buwan ng kawalan ng lupa, nananawagan ang Jose Rapsing Command – BHB Masbate sa mga samahan at kilusang magsasaka sa Masbate na mahigpit na magkaisa at sama-samang kumilos. Makipagkaisa at himukin ang lahat ng progresibo at mga demokratikong sektor upang labanan ang malawakang pangangamkam ng lupa sa prubinsya.

Hinihikayat din ng JRC BHB – Masbate ang mga samahan at kilusang magbubukid na pangunahan ang mga paglulunsad ng mga kilos-protesta, rali, caravan at mga kahalintulad na pagkilos.

Sumusulong ang digmang bayan sa Masbate dahil nananatiling matindi ang kawalan ng lupa at iba pang pyudal at malapyudal na pagsasamantala. Ang mga taktikal na opensiba ng BHB ay tugon sa kahilingan ng masang Masbatenyo sa pangunguna ng mga magsasaka sa prubinsya. Nais nilang pagbayarin ang AFP-PNP-CAFGU sa ginawa nitong armadong pananalakay sa mga komunidad, paggamit sa mga pampublikong pasilidad, sapilitang pagpapasuko, pang-aagaw ng lupa at pagpaslang sa mga magsasaka. Patuloy na lumalakas ang armadong pakikibaka sa prubinsya dahil sa tinatamasa nitong suporta at boluntaryong pagkilos at paglahok mismo ng masa.

Kaisa ng masang magsasaka ang Bagong Hukbong Bayan upang pawiin ang pyudal at malapyudal pagsasamantala. Isulong ang tunay na reporma sa lupa hanggang mapawi ang monopolyo sa lupa sa buong bansa.#

https://philippinerevolution.nu/statements/sama-samang-kumilos-laban-sa-malawakang-pangangamkam-ng-lupa-sa-masbate/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.