Thursday, April 6, 2023

CPP/NPA-Sorsogon: Hungkag ang kampanyang pagpapasuko ng 9th ID sa Sorsogon

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Apr 5, 2023): Hungkag ang kampanyang pagpapasuko ng 9th ID sa Sorsogon (The surrender campaign of the 9th ID in Sorsogon is hollow)



NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

April 05, 2023

Ipinarada ng 9th ID kahapon sa harap ng midya sina Nestor Estillon at Edwin Jimenez na mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na diumano’y kusang loob na sumurender sa AFP at Barcelona PNP. Labag sa batas na ipinarada sila para palabasing humihina na ang rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon habang pinagtatakpan ang patong-patong na paglabag ng AFP sa mamayang Sorsoganon.

Si Nestor Estillon, 43 anyos, may asawa at mga anak, magsasaka at naninirahan sa Brgy. Fabrica, Barcelona ay iligal na inaresto ng mga elemento ng 22nd IB noong Abril 3, sa naturang baryo, bandang alas-9 ng umaga habang nagtatanim sa kanyang maliit na lupa.

Ayon sa Pambansang Katipunan ng mga Magsasaka (PKM)-Sorsogon, dati nang pinag-iinitan ng AFP si Estillon dahil ilang beses na itong umiwas sa mga patawag ng AFP tuwing may aktibidad ang mga ito sa kaniyang baryo. Matatandaan na ilang beses na naglunsad ang 31st IB ng aktibidad ng “pagpapasurender at panunumpa” laban sa taumbaryo noong taong 2020 at 2021. Dalawang buwan nang hinahalihaw ng mga elemento ng 22nd IB ang mga baryo ng Putiao, Fabrica, San Ramon, at Sta. Cruz sa bayan ng Barcelona.

Samantala, hinuli ng mga elemento ng 31st IB si Edwin Jimenez alyas Ka Bro, 55, isang myembro ng BHB nitong Marso 9 sa Brgy. Lapinig, Gubat, habang dinadalaw ang kanyang pamilya. Si Ka Bro, ay pinilit na magsilbing giya ng mga elemento ng 31st sa mga baryo sa bayan ng Gubat at kalaunan ay pinilit na magsurender at pumaloob sa ma-anomalyang programa na E-CLIP.

Labag sa Internasyunal na Makataong Batas at sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) ang pagtaguri sa mg sibilyan na “armadong rebelde” at pwersahang “pagpapasurender” sa kanila dahil binubura nito ang pagkakaiba ng mga kombatant at di kombatant na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga sibilyan. Ang pagpaparada kay Ka Bro sa masmidya ay labag din sa kanyang karapatan bilang prisoner of war (POW) na dapat ay tratuhin na may dignidad.

Ang paglabag sa karapatan nila Estillon at Jimenez ay patak lamang sa nakalulunod na dagat ng mga kasalanan ng AFP sa mamamayang Sorsoganon- mula sa pagmasaker, patortyur, pagdukot, pagbanta, iligal na pag-aresto, panggigipit, pag-abala sa buhay at kabuhayan at walang-batayang sapilitang pagpapasurender. Sadyang ipinapakita ng AFP ang kawalan nito ng kakakayahang sumunod sa internasyunal na makataong batas at karuwagan sa pagbaling sa mga walang kalaban-labang sibilyan tuwing di nila nahahanap ang BHB.

Nanawagan kami sa mamamyang Sorsoganon na patuloy na maging mapagmatyag sa lahat ng posible pang anyo ng paglabag sa karapatang-tao sa ginta ng pinatitinding operasyon ng AFP/PNP. Dapat magkaisa ang mamamyan sa paglantad at paglaban sa tumitinding porma ng terorismo ng estado.

https://philippinerevolution.nu/statements/hungkag-ang-kampanyang-pagpapasuko-ng-9th-id-sa-sorsogon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.