Thursday, April 6, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Mga mandirigma at masa, nagtipon sa Eastern Visayas

Ang Bayan Daily News & Analysis propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Apr 5, 2023): Mga mandirigma at masa, nagtipon sa Eastern Visayas (Warriors and masses, gathered in Eastern Visayas)
 




April 05, 2023

Di maaapula ang diwang palaban ng hukbong bayan at masa sa Eastern Visayas.

Buong siglang naipagdiwang ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at ng masang magsasaka sa isang prente gerilya sa Eastern Visayas (EV) ang ika-54 taon ng hukbong bayan noong Marso 27. Sa aktibidad na pinangunahan ng BHB-Efren Martires Command (EMC), nagawa nilang bulag at bingi sa kanilang pagtitipon ang pasistang 8th Infantry Division na nagsasagawa ng todo-atake sa rehiyon na dinagdagan ng hindi bababa sa tatlong batalyon ng Philippine Army mula sa pagbubukas ng 2023.

Sa temang “Makatadungan an magrebolusyon! Umapi ha NPA! Makigbisog agud magdaug,” muling pinagtibay ng mga Pulang kumander at mandirigma, mga kadre at kasapi ng Partido, at mga kasapi ng mga rebolusyunaryong organisasyong masa ang kanilang kapasyahang isulong ang digmang bayan. Ito ang natatanging paraan upang biguin ang walang habas na pasistang terorismo ng rehimeng US-Marcos sa rehiyon, ipaglaban ang interes ng masang anakpawis sa gitna ng tumitinding krisis at kahirapan, at kamtin ang pambansang kalayaan at demokrasya para sa mamamayang Pilipino.

Sa programa, nagsagawa ang isang pito-kataong iskwad ng mga Pulang mandirigma ng tahimik na 21-gun salute para sa mga namartir na rebolusyunaryong bayani. Inialay din sa programa ang isang bagong tula ng pagpaparangal para kina Ka Jose Maria Sison, dakilang komunistang guro, at sa mga martir ng Komite Sentral at Politburo ng Partido. Inialay din ito kina Helenita “Ka Elay” Pardalis, sekretaryo ng Komite ng Rehiyon, Gil “Ka Biboy” Giray, kumander ng Panrehiyon na Kumand sa Operasyon ng BHB sa EV; “Ka Mamoy”; “Ka Joshua,” “Ka Mike” at sa isa pang Pulang mandirigma. Ang anim ay namartir sa teroristang pambobomba ng 8th ID sa Barangay Imelda, Las Navas noong Nobyembre 23, 2022.

Binigyang-diin sa programa ang pangangailangan na palakasin ang solidong pamumuno ng Partido sa hukbong bayan at sa hanay ng mga rebolusyonaryong masa, upang pagtibayin ang determinasyon nitong biguin ang tumitinding pasismo ng estado sa rehiyon at ipatupad ang kilusang pagbabalik-aral sa Marxismo-Leninismo-Maoismo at sa mga batayang prinsipyo ng Partido.

Binanggit din sa programa ang pangangailangang isulong ang digmang bayan upang matugunan ang mga batayang demanda ng masa, laluna ng masang magsasaka para sa rebolusyong agraryo. Kailangang buklurin sa makatarungang pakikibaka ang malawak na mamamayan bilang kasagutan sa kanilang labis na paghihirap at tumitinding hinaing para sa panlipunang pagbabago, ayon sa isa sa mga tagapagsalita.

Binasa din sa programa ang Winaray na bersyon ng editoryal ng Ang Bayan, Marso 7, 2023 na pinamagatang “Digmang bayan para sa kalayaan at demokrasya.”

Matapos ang mga mensahe, nagkaroon ng open forum kung saan binigyan ng pagkakataon ang mga dumalo na magtanong at magpahayag ng mga isyu na nais nilang mabigyang-linaw. Tumampok sa diskusyon ang mga maiinit na problema ng masa gaya ng destrosong idinulot ng saywar at pagkakampo militar sa mga baryo sa pamamagitan ng Retooled Community Support Program o RCSP, mas matinding kahirapan ng mga magsasaka dahil sa mga operasyong kombat ng mga sundalo, at kung paano ipagpapatuloy ang mga rebolusyonaryong gawain sa harap ng pinatinding pasismo ng estado.

Naitaguyod ng hukbong bayan at masa ang aktibidad nang lingid sa mga mata at tenga ng kaaway at pinaghandaan sa loob lang ng ilang araw. Nagawa pa nilang magpalitan ng mga kultural na pagtatanghal at magsalu-salo sa simpleng mga pagkain at kakanin.

Pagkatapos ng programa, puyos ng determinasyon ang hukbong bayan at masa na magpurisge sa landas ng digmang bayan. Ilan mang bomba ang ihulog at ilan mang batalyon ang itambak ng kaaway, hinding hindi maaapula ang diwang mapanlaban ng hukbo at mamamayan sa Silangang Kabisayaan. (Ulat ng Larab)

https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-mandirigma-at-masa-nagtipon-sa-eastern-visayas/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.