Posted to Kalinaw News (May 8, 2021): Mga armas pandigma nadiskubre; miyembro ng teroristang CPP-NPA nagbalik-loob sa pamahalaan
Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela – Nakubkob ng kasundaluhan ng 17th Infantry Battalion (17IB) ang samu’t-saring mga gamit pandigma kasunod ng boluntrayong pagbabalik-loob sa pamahalaan ng isang mataas na opisyal ng Communist Terrorist Group (CTG) at pagbaba ng armas ng isang miyembro ng Militia ng Bayan (MB) sa bayan ng Rizal, Cagayan noong ika-7 ng Mayo taong kasalukuyan.
Nagpapatrolya ang tropa ng 17IB sa Barangay San Juan, Zinundungan Valley nang lapitan sila ng isang residente upang ipagbigay alam ang impormasyon ukol sa nakatagong mga gamit sa paggawa ng pampasabog sa bahagi ng Sitio Daligan. Agad naman itong bineripika ng kasundaluhan na kung saan, kanilang natagpuan ang isang container na naglalaman ng mga pampasabog, mga gamit pandigma, mga librong patungkol sa rebolusyonaryong pakikibaka, at mga subersibong dokumento na pagmamay-ari ng teroristang CPP-NPA.
Sa bahagi naman ng Barangay Masi, nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Milisya ng Bayan na sakop ng teroristang West Front Committee, Komiteng Probinsya-Cagayan (KOMPROB-Cagayan), Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV). Isinuko rin niya ang isang shotgun na ipinapagamit sa kanya ng teroristang CPP-NPA. Kasunod nito ang boluntaryong pagsuko rin ng isang medical officer ng East Front Committee, KOMPROB-Cagayan, KR-CV sa pamamagitan ng Community Support Program sa nasabing lugar.
Pagbabahagi ng mga nagbalik-loob, naliwanagan at napagtanto nila ang tunay na hangarin ng teroristang CPP-NPA sa kanila. Ikinaglak din nila ang tuloy-tuloy ang pagdating ng serbisyo ng pamahalaana sa mga residente sa kanayunan. Anila, sadyang pinipigilan at hinaharangan ng mga teroristag CPP NPA ang mga proyekto at programa ng pamahalaan upang mabuo ang poot at galit ng mamamayan sa gobyerno. Isa ito sa mga ginagawang pamamamaraan upang mapadali ang kanilang pagrerekrut lalo na sa mga kabataan. Inihayag din nila ang kanilang pasasalamat sa mga ginagawang pagsisikap ng kasundaluhan at ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang makaalpas sila sa impluwensiya ng teroristang kilusan at mailapit naman sa layuning pag-unlad ng pamahalaan.
Kinilala ni Maj. Gen. Laurence E Mina, Kumander ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang sakripisyo at pagsusumikap ng mga kasundaluhan ng 17IB upang mailigtas ang mga nalinlang na mga kasapi ng CPP-NPA. “Ang tuluy-tuloy na ginagawang pakikipag-ugnayan ng mga residente sa otoridad ay isa sa mga pinakamabisang batayan ng suporta ng mamamayan sa pamahalaan. Tulad ng pagnanais ng taumbayan, ang inyong Startroopers ay walang ibang hangad kundi ang makamit ang makatotohanang kapayapaan at pag-unlad ng bawat Pilipino. Ito ang pangarap na kaya nating abutin sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/mga-armas-pandigma-nadiskubre-miyembro-ng-teroristang-cpp-npa-nagbalik-loob-sa-pamahalaan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.