Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 5, 2021): Hustisya para sa mga biktima ng Dolos Massacre, unti-unti nang nakakamit—Samuel Guerrero
SAMUEL GUERREROSPOKESPERSON
NPA-SORSOGON (CELSO MINGUEZ COMMAND)
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (ROMULO JALLORES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
MAY 05, 2021
Pinarusahan ng kamatayan kagabi, Mayo 4, si Angeline Hinga alyas Salapi sa tirahan ng kanyang kinakasama sa Barangay Catanusan, Juban.
Ayon kay Samuel Guerrero, tagapagsalita ng Celso Minguez Command, NPA-Sorsogon, si Hinga, na taga-Dolos, Bulan, ang nagsuplong sa limang magsasakang aktibista na pinagbintangang NPA at minasaker noong Mayo 8, 2020. Matapos ang kalunos-lunos na krimen ay agad siyang umalis sa kanyang baryo at nagpakanlong sa headquarters ng 22nd IBPA sa Barangay Calomagon, Bulan. Noon din siya nagsimulang maging aktibong ahente ng militar para sa pwersahang “pagpapasuko” sa ilan niyang kaanak at kababaryo.
Matatandaang naganap ang tinaguriang Dolos massacre noong Mayo 8, 2020 sa Brgy. Dolos, Bulan kung saan pinalabas ng mga tropa ng 31st IBPA, 96th MICO at 2nd PPMFC na may naganap na engkwentro sa naturang baryo at nakapatay sila ng limang mandirigma ng NPA.
Ang walang kalaban-labang mga sibilyan ay sina Jeric Vuno, Jerry Palanca, Robert Villafuerte, Raymundo Tañada at Jaime Tañada, magkakaanak na magsasakang pawang residente ng baryong iyon.
“Ang pagpaparusa kay Hinga ay una sa serye ng mga kautusang inilabas ng Probinsyal Hukumang Bayan sa pagsapit ng unang anibersaryo ng Dolos Massacre. Idinidetalye ng mga kautusan ang kriminal na pananagutan at kaukulang parusang kahaharapin ng bawat indibidwal na sundalo at pulis na natukoy na kalahok sa operasyong humantong sa masaker. Tinukoy din ng rebolusyonaryong hukuman na ang naturang masaker ay isang war crime at iniutos nito ang pagpaparusa sa sangkot na mga yunit ng AFP at PNP ” dagdag pa ni Ka Samuel Guerrero.
https://cpp.ph/statements/hustisya-para-sa-mga-biktima-ng-dolos-massacre-unti-unti-nang-nakakamit-samuel-guerrero/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.