Monday, June 24, 2019

CPP/Ang Bayan: Mamamahayag, iligal na inaresto

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 21, 2019): Mamamahayag, iligal na inaresto

Kabi-kabilang pagkundena ang sumalubong sa arbitraryong pag-aresto at detensyon sa batikang ma­ma­ma­ha­yag na si Fi­de­li­na Mar­ga­ri­ta Val­le ng mga myembro ng Cri­mi­nal Inves­ti­ga­ti­on and De­tecti­on Gro­up Re­gi­on 9 noong Hunyo 9.

Naghihintay si Valle ng kanyang byahe sa La­gu­in­di­ngan Air­port sa Mi­sa­mis Ori­en­tal pauwi ng Davao City nang siya ay arestuhin. Idi­ne­ti­ne siya nang 12 oras sa bi­sa ng man­dam­yen­to la­ban sa isang Elsa Ren­ton al­yas Ti­na Mag­la­ya at Fi­de­li­na Mar­ga­ri­ta Val­le. Ina­ku­sa­han siya ng pag­pa­tay, pa­nu­nu­nog, tang­kang pag­pa­tay, at pag­si­ra sa ka­ga­mi­tan ng gub­yer­no.

Ayon sa pa­mil­ya ni Valle, ang pag-aresto sa kanya ay ma­li­naw na pang­gi­gi­pit at pa­na­na­kot da­hil sa kan­yang ad­bo­ka­si­ya at pa­ni­nin­di­gan la­ban sa ti­ra­ni­ya ni Rod­ri­go Du­ter­te. Na­pi­li­tan ang PNP na pa­la­ya­in si­ya ma­ta­pos itong malawa­kang ­kun­de­nahin. Nangatwiran pa ang PNP na “napagkamalan” lamang nila si Valle at kunwa’y humingi ng dispensa. Hindi ito tinanggap ng pamilyang Valle, at nangakong magsasampa ng kaso laban sa CIDG.

Ka­sa­lu­ku­yang ko­lum­nis­ta ng pa­ha­ya­gang Davao To­day si Val­le.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/2019/06/21/mamamahayag-iligal-na-inaresto/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.