Monday, June 24, 2019

CPP/Ang Bayan: 8 pag­pas­lang sa 7 araw

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 21, 2019): 8 pag­pas­lang sa 7 araw

Sa loob ng isang ling­go, walong ak­ti­bis­ta at mag­sa­sa­ka ang pi­na­tay ng mga ar­ma­dong ele­men­to ng es­ta­do. Iba’t ibang in­si­den­te rin ng pan­da­ra­has at pa­na­na­kot ang na­ra­na­san ng mga si­bil­yan sa iba pang pa­nig ng ban­sa.

Da­la­wang is­tap ng Ka­ra­pa­tan-Sor­so­gon ang pi­nag­ba­ba­ril at na­pa­tay noong Hun­yo 14 ng uma­ga. Na­ka­sa­kay sa isang tray­si­kel si­na Ryan Hu­bil­la at Nelly Ba­ga­sa­la, 69, nang pa­pu­tu­kan si­la ng da­la­wang ar­ma­dong la­la­ki sa Pha­se 2, Seab­reeze Ho­mes Sub­divi­si­on, Ba­ra­ngay Ca­bid-an, Sor­so­gon City.

Si Bagasala ay ilang dekada nang tagapagtanggol ng kara­pa­tang­-tao. Humarap na siya sa wa­lang-ampat na paninira at Red-tag­ging mula sa militar. Makai­lang-ulit na ring tiniktikan at ginipit sina Hubilla at Bagasala sa nag­da­ang mga buwan.

Ki­na­bu­ka­san, bi­na­ril at pi­na­tay na­man ang da­ting pi­nu­no sa kam­pan­ya ng Ba­yan-Bi­kol na si Neph­ta­li Mo­ra­da sa Ba­ra­ngay San Isid­ro, Na­ga City.

Ba­go ni­to, magkasunod na pi­na­tay noong Hun­yo 9 at 10 ang mga magsasakang sina Arnie Espi­nil­la sa Barangay Liong, at San­do Alcovin­daz sa Barangay Buena­vis­ta, kapwa sa ba­yan ng San Fer­nan­do, Mas­ba­te. Pi­na­tay sila ng gru­po ni Sgt. Cha­las, li­der ng Peace and Deve­lop­ment Team ng 2nd IB na su­ma­sak­law sa mga bar­yo ng Ta­li­say, Alta­vis­ta, Bue­navis­ta, Ca­ne­las, Del Ro­sa­­rio at Prog­re­so. Pi­nag­bi­bin­ta­ngang mga ka­sa­pi ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan ang da­la­wa.

Noong Hunyo 14 ng gabi, pinuntahan ng mga sundalo ang bahay ni Pizo Cabug sa Barangay Bue­na­­vista at siya ay pinagbabaril hanggang mapatay. Kasapi si Cabug ng Masbate Peo­ple’s Orga­ni­zation.

Sa harap ng sunud-sunod na pama­mas­lang sa mga taga­pag­tanggol ng karapatang-tao sa Bicol at ibang panig ng bansa, nag­pro­testa ang aabot sa anim na libo sa Naga City no­ong Hunyo 19. Tina­wag itong “Ki­­los Bikolano laban sa Tira­niya.” Nag­protesta na­man ang mga kasapi ng Karapa­tan sa harapan ng Department of Na­tional De­fense sa Quezon City noong Hunyo 17.

Sa Bukidnon, binaril at napatay ng mga elemento ng estado si Nonoy Palma sa ha­ra­pan ng kan­yang ba­hay sa Sit­yo Ma­lam­ba­go, Ba­ra­ngay Ha­la­pi­tan, San Fer­nan­do, noong Hunyo 16. Ka­sa­pi si Palma ng KASAMA, pampru­bin­syang ba­la­ngay ng Ki­lu­sang Mag­bu­bu­kid ng Pi­li­pi­nas. Nakilala ang isa sa tat­long bu­ma­ril sa kan­ya na ka­sa­pi ng pa­ra­mi­li­tar na Ala­ma­ra.

Sa­man­ta­la, bi­na­ril at na­pa­tay si Fe­li­pe Dacal­dacal, ka­sa­pi ng Na­tio­nal Fe­de­ra­ti­on of Su­gar Wor­kers noong Hun­yo 9 ng ga­bi sa Si­tyo Di­ta, Ba­ra­ngay Pi­na­puga­san, Esca­lan­te City, Negros Occidental.

Pag­pas­lang sa na­wa­lan na ng la­ban

Pi­na­tay nang wa­lang ka­la­ban-la­ban ng 31st IB si Edwin “Ka Du­pax” De­ma­te­ra, ku­man­der ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan (BHB)-Sor­so­gon noong Hun­yo 12. Bi­na­ril si­ya pag­ka­ta­pos bug­bu­gin sa labas ng kan­yang ba­hay sa Ba­ra­ngay Inca­rizan, Ma­gal­la­nes, Sor­so­gon. Na­sa lu­gar si Dematera pa­ra pan­sa­man­ta­lang mag­pa­ga­ling ng na­ma­ma­ga ni­yang paa.

Ma­ta­pos ba­ri­lin si Dema­tera­, pi­na­sok ng mga sun­da­lo ang kan­yang ba­hay at ki­num­pis­ka ang ga­mit ng mga bi­si­ta ng kan­yang pa­mil­ya. Ili­gal din ni­lang ina­res­to si Je­mu­el Non Sa­tu­ray at di­na­la sa Camp Escude­ro sa Sor­so­gon City. Pi­nag­bin­ta­ngan si­yang ka­sa­pi ng BHB at pi­na­la­bas na may­ro­ong ba­ril na ka­lib­re .38.

Pi­na­mu­mu­nu­an ni Lt. Col. Randy N. Espi­no ang 31st IB na na­ka­ba­se sa Ba­ra­ngay Ra­ngas, Ju­ban, Sor­so­gon. Nadestino ang batalyong ito sa ba­ha­ging Ca­ma­ri­nes Nor­te noong dekada 1990. Inili­pat si­la sa Sor­so­gon noong 2011 at na­ka­pa­kat sa prubinsya hang­gang sa ka­sa­lu­ku­yan.

Du­gu­ang re­kord

Ba­tay sa mga nai­ta­la ng Ang Ba­yan, si­mu­la 2014 ay may 18 bik­ti­ma ng pag­pas­lang ang 31st IB. Ki­la­la rin ang ba­tal­yon sa mga ili­gal na pag-a­res­to, pag­na­na­kaw, at sa­pi­li­tang pag­pa­sok sa ba­hay ng mga si­bil­yan. Ma­ra­mi na ring nai­ta­lang ka­so ng pagpatay sa mga hors de com­bat ang ba­tal­yon.

Isa sa pi­na­ka­ma­sa­hol na ka­so ang wa­lang-a­wang pag­pa­pau­lan ng ba­la sa ba­hay ng pa­mil­ya Gar­duque noong Ma­yo 2014 sa Mat­nog, Sor­so­gon. Ina­ku­sa­hang mga ka­sa­pi ng BHB ang mag-a­sa­wang Eli­as at Cynthia.

Binaril at na­pa­tay si Eli­as sa­man­ta­lang su­ga­tan ang kan­yang asa­wa. Ti­na­ma­an din ang ka­ni­lang isang taong gu­lang na sang­gol. Si­yam na oras na pi­na­ba­ya­an ng mga sun­da­lo ang su­ga­ta­nag mag-i­na at pi­ni­gi­lan ang mga ta­ga-bar­yo na tu­mu­long sa ka­ni­la.

Ang ber­du­gong ba­tal­yon din ang pu­ma­tay kay Teo­do­ro “Tay Tu­doy” Esca­nil­la, 63, tagapag­sa­lita ng Karapatan-Sorsogon, noong Agos­to 2015. Pi­nag­ba­ba­ril si­ya sa kan­yang ba­hay sa Ba­ra­ngay Tag­don, Barce­lo­na sa Sor­so­gon.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/2019/06/21/8-pagpaslang-sa-7-araw/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.