Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 21, 2019): Kampuhan ng mga bakwit, binuwag
Binuwag ng mga pulis ang kampuhan ng mga bakwit na Lumad sa tabi ng kapitolyo sa Cagayan de Oro City noong Hunyo 18. Higit isang taon nang nakatigil rito ang mga Lumad mula sa Sityo Kamansi, Barangay Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental dahil sa pagkampo ng militar sa kanilang komunidad. Bibigyang-daan ng okupasyon ng mga sundalo ang malalaking kumpanyang geothermal at mina sa Mt. Balatucan, kabilang ang Balatucan-Balingasag Geothermal Prospect,
DEMOLISYON. Limang indibidwal ang nasugatan, isa sa kanila ang kritikal, sa isinagawang demolisyon ng pamilyang Villar sa kabahayan sa Sityo Malipay III, Barangay Molino IV sa Bacoor, Cavite, noong Hunyo 18. Ipinagiba ng mga Villar ang mga bahay upang magtayo ng mga imprastruktura sa lugar.
Noong Hunyo 10, giniba ng 55 pinagsamang mga elemento ng SWAT at lokal na gubyerno ang kabahayan sa Sityo Kawayanan, Titus Street sa Barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City. Ilang dekada nang nakatira sa lugar ang mga residente ngunit pinalalayas para bigyan-daan ang pagtatayo ng proyektong “Bistekville” ng lokal na gubyerno.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/2019/06/21/kampuhan-ng-mga-bakwit-binuwag/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.