NPA-Abra propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Nov 16): Kahibangan ng Batas Militar at Diktadura Pabor sa mga Dayuhang Pandarambong!
Lumalapastangan sa Karapatan ng Mamamayan
Ka Diego Wadagan, Spokesperson
NPA-Abra (Agustin Begnalen Command)
16 November 2017
Desperado ang rehimeng US-Duterte sa paghahasik ng lagim at pagpapatindi ng atake sa mamamayan para sa interes ng imperyalistang US at iba pang dayuhan sa ilalim ng kanyang Internal Security Plan: “Oplan kapayapaan”, na kung saan pinatitindi nito ang mga operasyong militar at paghahasik ng terorismo sa mga lugar ng mga pambansang minorya at sa mga lugar na target tayuan ng mapandambong na proyekto alinsunod sa plano ng “Dutertenomics”
Target ng “Oplan Kapayapaan” ang ambisyon ng administrasyon na durugin ang buong pwersa ng rebolusyonaryong kilusan sa katapusan ng 2018. Maraming presidente na ang nagsabi nito, lahat ito ay pawang nabigo. Ito ay nagpapatunay na hindi kailanman makakayang durugin ang kilusan na nagsusulong ng tunay na kagalingan at interes ng mamamayan. Pinapakita lang ni Duterte ang pagkadesperado nya sa kanyang ambisyon, kaya minamadali nito ang pag rerecruit ng dagdag pwersa ng AFP, PNP at ,CAFGU.
Malinaw na laganap ang iskema ng batas miltar ng rehimeng US-Duterte na lumalapastangan sa karapatang pantao hindi lang sa Mindanao kundi maging dito sa Abra. Malinaw din na interes lang ng mga dayuhang kapitalista ang ipinapanguna ng gobyerno. Sa Marawi, pagkatapos nilang ideklarang tapos na ang gera laban sa “terorista”, maraming kapitalista ang nag-uunahan para sa pagtatayo ng negosyo. Ganito ang bagong mukha ng pagpapasok ng proyekto ng mga kasosyong kapitalista ng gobyerno, mula PPP project ni BS-Aquino noon na ngayon naman ay “Build Build Build” ng “Dutertenomics”.
Tulad ng napipintong pagpasok ng dayuhang kumpanya ng Pan Pacific Power Phils Corp., para sa pagtatayo ng geothermal energy project na sasaklaw sa kabuuang 49,000 ektarya na teritoryo ng 8 munisipyo (Tubo, Luba, Manabo, Boliney, Daguioman, Bucloc, Sallapadan at Licuan-Baay); sa kabilang banda naman ay planong pagtatayo muli ng Binongan dam sa Lacub, Abra, ilan lang ito sa mga “Duternomics” sa Abra kaya naman pinapatindi ang operasyong militar ng 24th IB at CAFGU recruitment para magsilbing protektor nito. Nagaganap ang matinding pang-aapi ng AFP-PNP at mga Warlord-Pulitiko sa mamamayan ng Abra sa harap ng matinding krisis ng kabuhayan ng mga magsasaka sa Abra, na tulad ng pagbaba ng kanilang ani dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig at walang sapat na perang pantustos sa mga pangangailangan. Mas lalo pang lalaganap ang pang-aapi sa kanila dahil dinidimonisa ng militar at kapulisan ang kanilang mga katutubong samahan at mismong ang DILG-LGU ay nagsisilbing instrumento sa paglabag sa karapatang pantao.
Tulad dito sa Abra, marami na ang naitalang paglabag ng mga bumubuo ng “Provincial Peace and Order Council” na tinawag nilang “anti-insurgency-TF” at ng Inter-Agency Committee on Legal Action, na pinangungunahan ng ambisyosong si Lt. Col. Dominic Tomas Baluga ng 24th IBPA, Abra PNP at Governor Joy Valera-Bernos. Nagkokoro ang mga ito sa pagpapalaganap ng kontra-mamamayang propaganda, panggigipit, pangaaresto, pananakot, pangbobomba at pagbabanta sa buhay ng mga sibilyan at personahe na tinagurian nilang “teroristang grupo”. Narito ang ilang listaahan ng mga paglabag sa karapatang pantao dulot ng hibang na militarismong atake:
Ilegal na pag-aresto
Taong 2016, dinukot ng mga sundalo ng 24th IB ang apat na residente ng Brgy. Duldulao, Malibcong habang ang mga ito ay nangangaso. Umabot ng apat na araw na paghahanap sa kanila ng mamamayan at napilitan ang mga sundalo na ilabas ang apat na sibilyan. Napag-alaman na ginawang guide sa operasyon ang mga sibilyan na ito at sinabihan sila ng mga opisyal ng militar na huwag sabihin ang ginawa nilang kalupitan sa kanila. Ipinatawag ng PNP Abra ang mga dirver ng motorsiklo sa Malibcong at inaakusahan ang mga ito na nagsasakay ng NPA. Pinagbantaan sila na huhulihin kung magsasakay ng NPA. Marso 2017, Ilegal naman na dinakip ng mga sundalo ang dalawang mag-aaral ng Mataragan National Agricultural School o MNAS habang naglalakad ito patungo sa pyesta sa Bangilo. Pinaratangan sila na di-umano ay nagmamanman sa mga sundalong nagooperasyon. Ang mga mag-aaral na ito ay kasapi ng Kabataan Partylist. Sila ay in-enteroga at tinakot ng mga sundalo.
Pambobomba sa mga komunidad at kabundukan sa Abra
Marso 2016, matapos na ilunsad ng NPA-Abra ang raid sa Malibcong MPS at pagtambang sa reimporsment nitong Abra PNP, walang habas na nagbagsak ng bomba ang jet fighter na nagresulta sa pagkasunog ng kabundukan at naging sanhi ng pagkatakot ng mga sibilyan. Agosto 7, nagkaroon ng enkwentro sa pagitan ng mga pulang mandirigma at sundalo ng 24th IBPA kung saan ay walang pakundangan nagpasabog ang mga sundalo ng M203 granade launcher na tumama sa loob ng komunidad sanhi ng pagkasira ng bubongan ng isang residente sa Brgy. Danac East, Boliney. Nitong Nobyembre 8, walang habas na nagbomba ng mortar ang 24th IBPA sa Brgy. Ableg, Daguioman kung saan tumama ang bala ng mortar malapit sa isang kubo ng masa dito(pakalso ng masa). Pinagbawalan ng militar na lumabas ang mga residente dito at nagdulot ng matinding takot dahil sa pagsabi ng militar na gagawing nilang Marawi ang kanilang bayan kung susuporta sila sa NPA.
Serye ng mga pangigipit sa mga sibilyan at personahe sa Abra
Matapos ang pambobomba ng AFP sa Malibcong noong Marso ay kinasela nito ang mga klase sa buong bayan at pinagbawalang lumabas patungo sa mga sakahan at kaingin ang mga sibilyan. Pinalawak at pinahigpit naman ng mga miltar ang check-point at malisyosong pinararatangan ang mga motorista at byahero na mga myembro di umano ng NPA. Hindi pinayagan ng mga militar na makapasok ang mga bigas na gagamitin ng mga tao sa pagdiriwang ng pyesta ng St. Joseph sa Bangilo dahil sa pag-aakala nilang suplay di umano ito ng NPA. Maging ang mga guro at mga magulang sa Mataragan National Agricultural School (MNAS) ay pinaparatangan ng 24th IB na nagtuturo daw ng progresibong pag-aaral, kumakanta ng internasyunal matapos ang flag ceremony, at mayroon di-umanong training ground malapit sa kanilang paaralan. Mariing pinabulaaanan ito ng mga guro at magulang sa pamamagitan ng paglabas nila ng nagkakaisang pahayag para itanggi ang paratang.
Sa Boliney, pinagbibintangan ng militar ang isang opisyal ng barangay at elders sa Brgy. Dao-angan na ito diuamano’y suporter ng NPA sa lugar. Agad na gumawa ng aksyon ang mga opisyal ng barangay upang ipagtanggol nila ang kanilang kababayan. Sa Bangued, Abra, malisyosong pinagbibintangan ng 24th IB ang isang negosyante dito na tinawag nilang Edna’s Store na di-umano ay nagbebenta ng kanyang paninda sa mga “terorista” at halos naging araw-araw ang pagbantay dito ng mga militar. Maging ang KASTAN-CPA na isang progresibong organisasyon ay walang tigil na minamanmanan ang mga istap nito at inaakusahan bilang “teroristang grupo”. Sa Brgy. Modiit, Dolores, pilit na hinalughog ang bahay ng isang pastor sa bisa ng “search warrant” upang hanapin daw ang mga armas. Walang nakuhang armas sa bahay ngunit ninakaw ng mga militar at pulis ang mga legal na dokumento ng kanilang samahan at sinabi ng mga ito na subersibo daw ito. Sa bayan ng Sallapadan, Abra ipinagbawal ng militar at ng gobernadora ang paglulunsad ng general assesmbly ng tradisyunal na organsisasyon dito at pinagbantaan ang kapitan ng baranggay na hindi ibibigay ang mga project at IRA kung bibigyan niya ng permit ang mga ito. Tuwirang binansagan ng gobernadora na asembliya di-umano ito ng NPA. Sa Lacub, kasalukuyan ang pagtatayo ng company headquarter ng 24th IB sa mismong kabahayan ng Brgy. Poblacion, Lacub kung saan ay katabi mismo ito ng 16 na pamilya. Inerereklamo ng mga residente dito ang kampo at walang nangyaring konsultasyon. Inoobliga naman ng 24th IB ang lahat ng barangay opisyal na magrekruta ng CAFGU sa kanilang barangay.
Ang kahibangan ng rehimeng US-Duterte at AFP-PNP na “uubusin” nito ang rebolusyonaryong kilusan sa katapusan ng 2018 ay mangangahulugan lamang ng matinding pang-aapi sa mamamayan. Lubhang mahihiwalay lamang ang rehimen sa masa. Siguradong lalabanan at bibiguin ng mamamayan ng Abra ang mapaniil na “anti-insurgency task force” ng AFP-PNP dahil ito ay lubhang lumalabag sa karapatang pantao. Ang makatarungang adhikain ng mga mamamayan para sa paglutas ng krisis sa produkyon ng pagkain sa pamamagitan ng kanilang mga samahan at ang paggigiit ng karapatan sa kanilang lupaing ninuno ang magsisilbing inspirasyon upang sama-samang kumilos at lumaban sa hindi makataong batas militar na umiiral sa buong probinsya. Mas napatutunayan ngayon ng taumbayan na wasto ang armadong pakikibaka bilang malakas na armas na dudurog sa paghaharing diktadura at pakikibaka para sa sariling pagpapasya bilang mga Pambansang Minorya.
LABANAN AT WAKASAN ANG MAPANG-APING REHIMENG US-DUTERTE!
IPAGTANGGOL ANG KARAPATANG PANTAO!
DEPENSAHAN ANG LUPA, BUHAY, DANGAL, AT KALIKASAN!
ISULONG ANG PAMBANSA DEMOKRATIKONG REBOLUSYON!
MAMAMAYAN, MAGBUKLOD AT LUMAHOK SA DIGMANG BAYAN!
https://www.philippinerevolution.info/statements/20171116-kahibangan-ng-batas-militar-at-diktadura-pabor-sa-mga-dayuhang-pandarambong
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.