Carlito Cada
Spokesperson
NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
April 26, 2023
Pinakamataas na pagpupugay ang ibinibigay ng Armando Catapia Command- Bagong Hukbong Bayan- Camarines Norte sa lider ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na sina kasamang Benito Tiamzon (ka Laan) at Wilma Austria (ka Bagong-Tao) at kasama ng iba pang mga bayani ng rebolusyong Pilipino na walang pag-iimbot na nag-alay ng kanilang panahon at buhay para maglingkod sa masang api at pinagsasamantalahan.
Ang mag-asawang Tiamzon, kasama ang walong iba pa, ay karumal-dumal at buong karuwagang pinaslang ng mga mersenaryong tropa ng AFP sa ilalim ng Joint Task Force Storm at Task Force Trident noong Agosto 21, 2022. Nadakip sila sa Samar habang bumibyahe sakay ng dalawang van sa pagitan ng alas-12 ng tanghali at ala-1 ng hapon. Sila ay brutal na pinahirapan bago pinaslang. Sa kasunod na araw, isinakay ang mga walang buhay nilang katawan sa isang motorboat at pinahila sa gitna ng dagat sa pagitan ng Catbalogan City at Tarangnan island. Doon ay pinasabog ang bangka para palabasing nagkaroon ng engkwentro sa dagat at pagtakpan ang karumal-dumal na krimen.
Sa mahabang panahon, si Ka Benito ay nagsilbing pangulo ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral, habang si Ka Wilma ang pangkalahatang kalihim ng Partido.
Ang pagkawala nina ka Benito, ka Wilma at ka Joma Sison ay totoong malaking kawalan sa rebolusyonaryong kilusan ngunit sila ay katulad ng mabubuting binhi sa kasaysayan ng rebolusyon sa Pilipinas na yumabong at namunga ng marami pang mga mahuhusay at mabubuting binhi na s’ya ngayong magpapatuloy ng adhikain na mapalaya ang bayan mula sa tanikala ng pambubusabos at pang-aalipin ng malaking burgesya kumprador, panginoong maylupa at Imperyalismong US.
Isang malaking pagkakamali ng mga naghaharing-uri, lalo na ang mga utusan nitong mga mamamatay-taong AFP-PNP sa pag-aakalang magagapi nila ang rebolusyonaryong kilusan at wala ng kapasidad na lumaban ang BHB dahil sa pagkawala ng magigiting nitong lider ng Partido. Pinatunayan na sa kasaysayan na ilang kadre at lider ng Partido ang nagbuwis ng buhay ngunit patuloy na sumusulong ang rebolusyon dahil katulad ng tubig sa ilog pilit man sagipin at harangan ay hindi mapipigilan ang pagdaloy nito. Ang rebolusyon ay patuloy na susulong at higit pang lalakas sapagkat nananatiling hinog ang kondisyon para tuparin ang minimithing paglaya ng bayan.
Poot at galit ang nararamdaman ngayon ng lahat ng inaapi at pinagsasamantalahang mamamayan at rebolusyonaryong kilusan partikular sa probinsya ng Camarines Norte, ngunit ang poot at galit na ito ang magsisilbing gatong sa umaalab at nag-aalimpuyong mga damdamin para sa ibayong pagsisikap na maisakatuparan ang tungkuling ipagtagumpay ang digmang bayan.
Sa harap ng pinatinding krisis ng mala-kolonyal at mala-pyudal at araw-araw na hambalos ng kawalan, pang-aapi at pagsasamantala ng naghaharing uri kasabwat ang imperyalismong US ay laging tinitiyak ng Komite ng Partido sa probinsya ang pagpapalakas sa organisasyon sa pamamagitan ng pagpapagana ng komite hanggang sa batayang yunit ng Partido na umaalinsunod sa prinsipyo ng demokratikong sentralismo at sistemang komite para mabisang maisakatupataran ang programa ng Partido. Sa loob ng BHB ay mahigpit na ipinatutupad ang mga alituntunin sa disiplina at mga patakaran bilang tunay at natatanging hukbo ng masang api.
Patuloy ang pagsisikap ng ACC-BHB-CN sa pamumuno ng Komite ng Partido sa probinsya na maisakatuparan ang atas ng Komite Sentral ng Partido na palagablabin at ikalat ang apoy ng pakikidigmang gerilya. Sa katunayan, sa kasalukuyan ay nakakalat ang mga yunit ng BHB sa probinsya para mag-organisa at ibayong pahigpitin ang pakikipagkaisa at ugnay sa uring magsasaka, manggagawa, mga intelektwal at mga katutubo para sumuporta at mapalahok sa digmang bayan. Puspusan rin ang pagsisikap ng ACC-BHB-CN na muling pasiglahin ang pakikibakang anti-pyudal, pagkokonsolida ng mga baseng masa sa kanayunan sa pamamagitan ng pagtataas ng antas ng kanilang organisasyon katulad ng pagtatayo ng mga Ganap na Samahang Masa (GSM). At ang paglulunsad ng Armadong Pakikibaka. Bahagi rin ng konsolidasyon sa loob ng hukbo at ng Baseng Masa ang paglulunsad ng edukasyon, pulong masa, gawaing kultura, at grupong talakayan.
Higit kailan man, laging handa ang ACC-BHB-CN sa pamumuno ng komite ng Partido sa probinsya na tuparin ang programa at atas ng Komite Sentral ng Partido para mabisang mapamunuan ang masang api at pinagsasamantalahan hanggang sa ganap na tagumpay ng digmang bayan.
Labanan ang pinaigting na imperyalistang pang-aapi laban sa mamamayang Pilipino!
Magiting na isulong ang digmang bayan para sa tunay na kalayaan at demokrasya!
Palagablabin at ikalat ang apoy ng digmang bayan!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang proletaryo at mamamayang Pilipino!
https://philippinerevolution.nu/statements/pagpupugay-ng-bhb-camarines-norte-kina-ka-benito-at-ka-wilma/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.