Friday, April 28, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: 2 tagapagtanggol ng karapatan ng katutubo, dinukot ng militar

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Apr 28, 2022): 2 tagapagtanggol ng karapatan ng katutubo, dinukot ng militar (2 indigenous rights defenders, abducted by the military)
 





April 28, 2023

Pinaghihinalaang dinukot ng mga sundalo ang dalawang Mangyan sa Sityo Buol, Barangay Santa Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro noong Abril 24. Sa ulat ng grupong Karapatan-Southern Tagalog, tatlong araw nang hindi matunton ang kinaroroonan nina Mary Joyce Lizada at Arnulfo “Ompong” Aumentado, mga tagapagtanggol ng karapatan ng mga katutubo at kasapi ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK). Hinahanap sila ngayon ng kanilang mga pamilya.

Ayon sa mga kaanak, ang dalawa ay nasa nabanggit na sityo para mag-imbestiga sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao ng mga katutubong Mangyan.

Noong Oktubre 2022, kinanyon ng 23rd IBde ang Barangay Santa Teresita at kalapit na Barangay Waygan. Tinatayang higit 6,000 mamamayan, kabilang ang mga Mangyan, ang apektado ng insidente. Naitala rin ang mga kaso ng pambubugbog at iligal na pang-aaresto sa mga Mangyan ng 4th IB noong huling kwarto ng 2022.

“Bilang mga tagapagtanggol ng karapatang-tao at organisador ng katutubo, tumungo sa Mansalay, Oriental Mindoro sina Lizada at Aumentado upang mag-imbestiga. Nakumpirma nilang gaya ng mga paunang ulat, imbwelto ang 203rd IBde at 4th IB sa mga paglabag sa International Humanitarian Law (IHL), tulad ng panggigipit at walang pakundangang pambobomba sa mga katutubong pamayanan,” pahayag ng Karapatan-Southern Tagalog.

Ayon sa grupo, nangangamba ang pamilya at mga mahal sa buhay nina Lizada at Aumentado sa sinapit ng dalawa. Giit ng pamilya, “makauwi sana ang dalawa nang ligtas sa lalong madaling panahon dahil ang tanging hangarin lamang nila ay tumulong sa mga katutubo roon.”

Dumulog na sa lokal na gubyerno ng Mansalay, Commission on Human Rights, mga abugado, mamamahayag, at kapwa human rights defenders na imbestigahan at aksyunan ang pagkawala ng dalawang miyembro ng BALATIK ang Karapatan-Southern Tagalog.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/2-tagapagtanggol-ng-karapatan-ng-katutubo-dinukot-ng-militar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.