Friday, April 28, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Walang patid na war games ng US sa Pilipinas, binatikos

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Apr 28, 2022): Walang patid na war games ng US sa Pilipinas, binatikos (Non-stop US war games in the Philippines, criticized)
 




April 28, 2023

Nagpiket ang 100 katao mula sa iba’t ibang pambansa-demokratikong organisasyon sa harap ng embahada ng US kahapon, Abril 27, matapos ianunsyo ang pagsisimula ng isa na namang “pagsasanay militar” sa pagitan ng US at Pilipinas. Gaganapin ito sa Clark Airbase sa Pampanga at magtatagal hanggang Mayo 12.

Sisimulan sa Mayo 1, dalawang araw lamang matapos ang Balikatan noong Abril at Salakbnib noong Marso, ang “war game” na Cope Thunder na lalahukan ng mga hukbong panghihimpapawid ng dalawang bansa. Dadaluhan ito ng 160 elemento ng US Airforce na magdadala ng 12 F-16 eroplanong pandigma. Inaasahan ding gagamitin ang mga FA-50 ng Philippine Airforce sa naturang war games. Huling nagkaroon ng katulad na war game noong 1990,

Tinawag ng Bagong Alyansang Makabayan bilang “summer slam of subservience” para batikos sa sobrang pangangayupapa ni Ferdinand Marcos Jr at lantarang pagpapakita ng imperyalistang arogansya ng US ang pagsasagawa ng tatlong magkakasunod na malakihang war game sa bansa.

“Ang mahal, perwisyo at mapang-upat na mga war game ay maaring maging permanente oras na ianunsyo ni Marcos at ng presidente ng US na si Joseph Biden ang isang pinasaklaw na kaayusang paneguridad sa pagpupulong nila sa Mayo 1,” babala ng Bayan. Sa aktwal, tinatrato ng US bilang playground o pook-laruan ang Pilipinas para sa mga weapons of mass destruction nito (armas ng maramihang pagpuksa), ayon sa grupo.

Kinutya nito ang rehimeng Marcos Jr sa pamimilit nitong ilusot ang Balikatan bilang paghahanda para sa sakuna. “Ang maitim na layunin nito ay isulong ang hegemony at interes ng imperyalismong US.”

Nanawagan ang Bayan, kasama ang iba pang demokratikong organisasyon, sa lahat ng mga patriyotikong Pilipino na itakwil ang pangangayupapa ng rehimeng Marcos at labanan ang nagpapatuloy ang interbensyong militar ng imperyalismong US sa bansa.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/walang-patid-na-war-games-ng-us-sa-pilipinas-binatikos/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.