February 21, 2023
Labag sa karapatang-tao at internasyunal na makataong batas ang ginagawang panggigipit ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang pamilya sa Sityo Gabonan, Barangay Dumalaguing, Impasug-ong, Bukidnon noong Enero 29. Pinararatangan ang pamilya na tumulong at naghatid ng suplay sa Bagong Hukbong Bayan (BHB).
Niransak ng mga sundalo ang bahay ni Nerisa Lumayag, kanyang asawa at mga anak at tinakot sila. Sampung sundalo ang sumugod sa bahay ng mag-anak. Nagdulot ng labis na takot ang teroristang panggigipit na ito ng mga sundalo sa pamilya laluna sa mga bata.
Ayon sa ulat, bago sila sinugod ng mga sundalo, minanmanan ang bahay nila nang madaling araw ng Enero 29 ng mga bayarang aset ng kaaway sa barangay.
Kasalukuyang tumutuloy sa sentro ng barangay ang pamilya dahil sa takot na bumalik sa kanilang komunidad.
Ang pag-atake ng militar ay labag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), na pinirmahan ng National Democratic Front of the Philippines at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas.
Nakasaad sa seksyon ukol sa paggalang sa internasyunal na makataong batas, Artikulo 4, Bilang 4:
“Ang sibilyang populasyon at mga sibilyan ay itatrato bilang sibilyan at ipag-iiba sa mga mandirigma at, kasama ang kanilang ari-arian, ay hindi maaaring atakihin.”
https://philippinerevolution.nu/angbayan/pamilyang-inaakusahang-tumulong-sa-bhb-sa-bukidnon-ginipit-ng-militar/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.