Saturday, February 25, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Serye ng mga protesta kontra Kaliwa Dam, inilunsad

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Feb 25, 2023): Serye ng mga protesta kontra Kaliwa Dam, inilunsad (Series of protests against Kaliwa Dam, launched)






February 25, 2023

Magkakasunod na protesta ang inilunsad ng mga pambansang minorya at demokratikong grupong bahagi ng Network Opposed to Kaliwa, Kanan, Laiban Dams (No to KKLD) sa Metro Manila noong Pebrero 20 para paigtingin ang panawagang itigil ang mapanirang proyektong Kaliwa Dam sa Sierra Madre.

Nagprotesta sila sa upisina ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), House of Representatives at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Binatikos nila ang NCIP sa ginawang manipulasyon at panloloko sa pagkuha ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) o pagpayag ng mga katutubo para pahintulutan ang kontruksyon ng dam. Humiga sila sa labas ng upisina bilang simbolo ng pagpatay at pagpapalayas ng dam sa humigit-kumulang na 20,000 Dumagat-Remontados sa Sierra Madre.

Nagkaroon din ng porum ang NO to KKLD sa UP Diliman kung saan dumalo ang mga grupo ng estudyante mula sa pamantasan upang dinggil ang panawagan at pakikibaka ng mga Dumagat at Remondato.

Samantala, nakaabot na sa Mendiola noong Pebrero 23 ang halos 300 katutubong Dumagat at Remontado na lumahok sa ‘Alay-Lakad Laban sa Kaliwa Dam’ na nagsimula noong Pebrero 15. Nagmula sila sa Barangay Catablingan sa General Nakar, Quezon. Tinatayang 150-kilometrong layo ang nilakad ng mga pambansang minorya.

Ang mga katutubo ay sinalubong ng iba’t ibang mga grupo sa Metro Manila. Nakiisa rin sa kanila ang University of Sto. Tomas, Ateneo de Manila University at iba pang mga institusyon.

Iginiit ng mga grupo kay Marcos Jr ang kagyat na pagpapahinto sa paghuhukay sa bayan ng Teresa sa Rizal. Nagsimula nang butasin ang kabundukan ng Teresa, Rizal para tumagos tungong General Nakar, Quezon na hindi bababa sa 28 kilometro ang distansyang sasaklawin.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/serye-ng-mga-protesta-kontra-kaliwa-dam-inilunsad/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.