Saturday, February 25, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Sa unang anibersaryo ng New Bataan 5//Panagutin si Gen. Durante at 1001st IBde, giit ng mga grupo

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Feb 25, 2023): Sa unang anibersaryo ng New Bataan 5//Panagutin si Gen. Durante at 1001st Inf Bde (accountable), giit ng mga grupo (On the first anniversary of New Bataan 5//Hold Gen. Durante and 1001st Inf Bde (accountable), the groups insist)






February 25, 2023

“HUSTISYA SA NEW BATAAN 5!” ang sigaw ng mga grupo ng kabataan at ng Save Our Schools (SOS) Network sa isang martsa kahapon sa University of the Philippines (UP) Diliman, unang anibersaryo ng tinaguriang New Bataan 5 Massacre.

Iginiit ng mga nagprotesta na dapat managot ang 1001st IBde sa karumal-dumal na pagpatay kina Chad Booc at Gelejurain Ngujo II, mga boluntir na guro sa paaralang Lumad, kay Elegyn Balonga, isang manggagawang pangkalusugan sa komunidad, at mga sibilyang sina Robert Aragon at Tirso AƱar. Tinortyur at sadyang pinatay ang lima ng mga sundalo sa utos ni Gen. Jesus Durante III sa Barangay Andap, New Bataan, Davao de Oro noong Pebrero 24, 2022.

Sa martsa, iginiit ng mga grupo na papanagutin ang 1001st IBde sa brutal na krimen nito at ang dating kumander nito na si Gen. Durante. Dapat din umanong papanagutin si dating pangulong Rodrigo Duterte sa kasong ito at marami pang krimen laban sa sangkatauhan ng kanyang administrasyon.

Naglunsad din ang mga grupo ng isang programang pangkultura at nagtirik ng mga kandila pagkatapos ng martsa.

Ayon sa SOS, natanggap nila noong Pebrero 20 lamang ang pinal na ulat sa awtopsi sa bangkay ni Booc na isinagawa ng kilalang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun. Ayon kay Dr. Fortun, ang paraan ng pagkamatay ni Booc ay homicide, taliwas sa pinalalabas ng militar na isang “engkwentro” ang naganap na nagresulta sa pagkamatay ng lima.

Liban umano sa maraming tama ng bala, iniulat ni Dr. Fortun iba pang tinamong sugat si Booc na sensyales na posibleng dumaan siya sa tortyur. Mayroong fracture sa kanyang ika-5, 6, 7 at 8 thoracic vertebrae at kanang ika-8, 9, at 11 na ribs, laceration sa kanyang spinal cord, baga, atay, spleen, bato, tiyan at intestine, internal na mga hemorrhage, vertebrae, at kanang buto sa braso. Ayon pa kay Dr. Fortun, ipinakikita ng pinal na resulta ng awtopsi ang “intensyong patayin” sila ng mga sundalo.

Giit ng SOS, dapat magkaroon ng “kagyat, masusi at imparsyal na imbestigasyon sa New Bataan 5 Massacre para papanagutin si General Jesus Durante III ng 1001st IB.”

“Dapat tayong magsama-sama para ilantad ang mga paglabag sa internasyunal na makataong batas at batayang mga karapatang-tao laban sa limang biktima sa New Bataan 5 Massacre,” pahayag pa ng grupo.

Naglabas din ng kanilang pahayag ang Katribu – Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas at Sandugo Movement of Moro and Indigenous Peoples for Self-Determination para kilalanin ang lima at maggiit ng hustisya.

Pinagpugayan nila ang mga ito para sa kanilang mga sakripisyo at “paglalaan ng kanilang oras, kakayahan at kabataan para sa kagalingan ng mga kabataang Lumad at kanilang mga komunidad.”

https://philippinerevolution.nu/angbayan/panagutin-si-gen-durante-at-1001st-ibde-giit-ng-mga-grupo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.