February 23, 2023
Apat na batalyon ang itinambak ng Armed Forces of the Philippines sa Eastern Visayas sa pagitan ng Disyembre 2022 at Pebrero para “gapiin” ang “natitirang apat na aktibong larangang gerilya” sa hilagang bahagi ng Samar. Tiyak na patitindihin ng mga ito ang pamamaslang, pang-aaresto, pambabanta at pwersahang pagpapasurender sa mga komunidad ng magsasaka sa rehiyon.
Dumating sa Palo, Leyte noong Pebrero 20 ang 74th IB galing sa Basilan at 42nd IB na galing sa Quezon-Bicol noong Pebrero 20. Dumating din sa rehiyon ang 21st Scout Ranger Company na nakapailalim sa 4th Scout Ranger Battalion mula sa Davao City noong Pebrero 17. Bago nito, 400 elemento na ng 4th SRB ang lumapag sa daungan ng Calbayog City noong Disyembre 11, 2022. Dagdag sa mga tropang ito ang 564 bagong mga sundalo na nagtapos sa isang 6-buwang pagsasanay militar sa Camp Eugenio Daza sa Hinabangan, Samay noon ding Pebrero 20.
Duguang batalyon
Mahaba ang listahan ng mga paglabag ng 4th SRC na sangkot sa mga operasyong pamboboma, pamamaslang, pang-aaresto at pwersahang pagpapasurender sa mga sibilyan sa mga barangay sa Agusan del Norte at Misamis Oriental. Mayor din ang naging papel nito sa pagdurog sa Marawi City na nagpalayas sa halos isang milyong Moro.
Samantala, bantog ang 42nd IB sa Bicol sa papel nito sa pagpapatupad ng Memorandum Order 32 ng noo’y rehimeng US-Duterte mula 2018. Ayon sa National Democratic Front-Bicol, nagresulta ang kautusang ito sa pagpaslang ng isang Bikolano kada linggo ng mga pwersa ng AFP at PNP sa rehiyon. Batay sa pagmonitor ng mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao, hindi bababa sa 17 ang biktima ng pamamaslang noong Enero-Nobyembre 2022 lamang.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/4-na-batalyong-itinambak-sa-samar-magpapalala-sa-paglabag-sa-karapatang-tao/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.