February 25, 2023
Nakumpiska ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang apat na .45 kalibre pistola at isang 12 gauge shotgun, mga magasin at mga bala sa isang operasyong pagdis-arma laban kay Noleto Hermoso ng Sityo Inatito, Barangay Bucalan, Canlaon City noong Pebrero 21. Ayon sa yunit, nagtagal ng 10 minuto ang operasyon.
Si Hermoso ay kilalang may koneksyon sa militar at nag-iimbak ng mga armas ayon sa ulat ng BHB-Central Negros. Dagdag pa nila, nagpapaputok at nananakot sa kanyang mga kapitbahay. Bago ang operasyon, makailang-ulit nang kinausap ng BHB si Hermoso para itigil ang kanyang anti-sosyal na gawi. Ngunit sa halip na tumalima, nagpatuloy si Hermoso sa mga ito.
Nagsimula ang operasyong pagdis-arma bandang alas-7 ng gabi nang surpresang pinasok ng mga Pulang mandirigma ang bahay ni Hermoso para kumpiskahin ang kanyang mga armas. Halos 1.5 kilometro lamang ang distansya ng bahay na ito mula sa detatsment ng militar sa kalapit na Barangay Budlasan. Ang sityo na tinutuluyan niya ay palagian dinadaanan ng militar sa panahon ng nakapokus na operasyong militar.
Agad namang sumunod sa utos si Hermoso nang kausapin siya kasama ang kanyang pamilya. Kwento pa ni Ka Win, tim lider ng naturang operasyon, “nagpasalamat pa ang pamilya nang isinalaysay ang dahilan ng pagdis-arma.” Ayon pa sa kanila, akala nila ay papatayin si Hermoso.
Salaysay pa ng pamilya na “maaring leksyon na sa kanilang ama ang mga kabulastugan na ginawa niya dati…at para magbagong-buhay.”
Sa panig ng mga Pulang mandirigma, nagpatibay ng kanilang loob ang matagumpay na operasyon. Ayon sa kanila, “nagbigay din ng bagong karanasan at kaalaman sa matagumpay na implementasyon ng misyon sa opensiba.”
https://philippinerevolution.nu/angbayan/5-pistola-at-shotgun-nakumpiska-ng-bhb-sa-operasyong-dis-arma-sa-canlaon-city/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.