Saturday, February 25, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Pesteng militar, pinalayas ng masa sa isang paaralan sa Abra

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Feb 23, 2023): Pesteng militar, pinalayas ng masa sa isang paaralan sa Abra (Military plague, driven out by the masses at a school in Abra)
 





February 23, 2023

Sama-samang kumilos noong Martes, Pebrero 21, ang mga magulang at guro ng Mataragan National Agricultural School sa Barangay Mataragan, Malibcong, Abra laban sa mga sundalong nagkakampo sa loob mismo ng paaralan, dahil sa banta ng mga ito sa seguridad ng mga bata. Matagumpay nilang napalayas ang mga sundalo.

Reklamo ng mga residente na lagi’t-laging naiistorbo ang buong komunidad dahil sa presensya ng mga sundalo sa lugar. Hindi na sila makatrabaho sa kanilang sakahan at makapasyal sa mga gubat dahil sa walang awat na operasyong militar.

Samantala, iniulat ang panggigipit at pag-iinterogeyt ng mga ahente ng militar kay Jerome Agaid, isang magsasaka na kabilang sa Lupong Tagapamayapa ng tribung Mabaca na naninirahan sa Mataragan, Malibcong. Kasama ni Agaid noong Pebrero 16, 2023 ang kanyang 5-taong gulang na anak na nangingisda sa Barangay Gadani, Tayum, Abra, nang sindakin at hawakan ng mga sundalo.

Dahil sa pangyayaring ito at iba pang nakaraang pang-aabuso ng militar sa Abra, lumalakas ang mga pagkilos ng mamamayan upang magreklamo sa nakakaalarmang pangyayari. (Ulat ng NPA-Abra)

https://philippinerevolution.nu/angbayan/pesteng-militar-pinalayas-ng-masa-sa-isang-paaralan-sa-abra/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.