Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Feb 25, 2023): Katutubo, anak nitong 5-taong gulang, ginipit ng 24th IB (Native, his 5-year-old son, harassed by the 24th IB)
February 25, 2023
Ginipit at sinindak ng mga ahente ng 24th IB ang mag-amang Jerome Agaid at kanyang 5-taong gulang na anak sa bayan ng Malibcong sa Abra sa nagdaang mga linggo. Si Agaid ay Lupong Tagapamayapa at bahagi ng tribung Mabaca.
Pilit na “pinasusuko” ng 24th IB si Agaid at pinagtatraydor sa kanyang sariling tribu. Ayon sa ulat, sinamantala ng militar ang kamakailang pagkakaospital ng kanyang asawa para “kumbinsihin” si Agaid na makipagtulungan sa kanila. Anang mga sundalo, babayaran ng mga ito ang pagpapagamot sa asawa kung susunod sa atas ng militar.
Bago pa ang naturang insidente, ilang ulit nang minanmanan at ginipit si Agaid at kanyang pamilya.
Patung-patong na paglabag sa karapatan ng mga pambansang minorya at karapatang-tao ang ginagawa ng 24th IB at 102nd IB sa maraming bayan ng Abra. Kasabay ito ng matinding militarisasyon at okupasyong militar sa mga bayan ng Lacub, Malibcong, Tineg, Baay-Licuan, Daguioman, Bucloc, Boliney, Sallapadan, Luba, Tubo at Pilar.
Laganap sa mga bayang ito ang mga kaso ng sapilitang pagpapasuko, pagmamanman at pananakot ng militar. Nagdudulot ito ng matinding ligalig at pangamba sa mga mamamayan tuwing pumupunta sila sa kanilang mga sakahan at sa kagubatan.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/katutubo-anak-nitong-5-taong-gulang-ginipit-ng-24th-ib/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.