Tuesday, November 9, 2021

CPP/Ang Bayan: Sundalong nag-amok sa Bukidnon, kinuyog ng taumbaryo

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the PRWC Newsroom Website (Nov 7, 2021): Sundalong nag-amok sa Bukidnon, kinuyog ng taumbaryo

Kinuyog ng taumbary ang isang nag-amok na sundalo sa Barangay Calapaton, Kitaotao, Bukidnon noong Oktubre 17. Lasing ang naturang sundalo at walang patumanggang nagpaputok na ikinasugat ng pitong sibilyan. Ayon sa mga residente, namaril ang sundalo matapos may makaalitan habang naglalaro ng iligal na sugal na “hantak.”

Myembro ng 72nd IB ang naturang sundalo at nakakampo sa katabing Barangay Calapaton.

Ayon sa Bagong Hukbong Bayan sa Southern Mindanao, nilalantad ng pamamaril na ito ang kabuktutan ng Retooled Community Support Program (RCSP) ng AFP. “Pantabing lamang ang RCSP. Ang totoo magkakumbinang kampanya ito ng saywar at paniniktik laban sa masa at nangangahulugan ng pagkontrol sa kanilang pagkilos, pananakot at pandarahas upang pigilan silang maggiit ng kanilang panawagan para sa lupa at karapatang pang-ekonomya at pampulitika.”

Nag-ulat din ang ilang magsasaka na regular silang ipinatatawag ng mga sundalo upang “mag-report.” Para sa mga magsasaka, sagabal ang RCSP sa kanilang kabuhayan. May isang pagkakataon na buong araw silang pinaghintay ng mga sundalo para lamang tanungin kung may nababantayan silang kilos ng BHB sa lugar.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/07/sundalong-nag-amok-sa-bukidnon-kinuyog-ng-taumbaryo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.