Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the PRWC Newsroom Website (Nov 7, 2021): Mga protesta
#AcademicBreakNow sa Baguio. Ipinatupad ng apat na unibersidad sa Baguio City ang panawagan ng mga estudyante para sa panandaliang bakasyon mula sa kanilang mga asignatura o academic break. Ayon sa mga estudyante, mahigpit ang pangangailangan para makapagpahinga sila sa dami at bigat ng mga rekisito sa paaralan. Lumundo ang protesta sa pagtitipon ng 400 mag-aaral at guro ng Saint Louis University noong Nobyembre 1. Itinakda ang academic break mula Nobyembre 2 hanggang 8.Tagapagsalita ni Duterte, kinuyog sa US. Kinuyog ng mga kliyente ng isang restoran at mga aktibista sa US si Harry Roque, tagapagsalita ni Rodrigo Duterte, noong Oktubre 30. Nasa New York, US noon si Roque para ipagpilitan ang sarili na maging myembro ng International Law Commission, ang pormasyong naghahalal ng mga abugado sa International Criminal Court. Tinawag siyang “kriminal sa digma” at “maluho” ng mga aktibista.
Paglaban kontra pribatisasyon sa Cebu. Nagprotesta sa harap ng city hall noong Oktubre 27 ang People’s Coalition against Privatization-Cebu para tutulan ang napipintong pribatisasyon ng Metropolitan Cebu Water District. Panawagan ng koalisyon ang pagtatanggol sa karapatan ng mamamayan sa tubig, sanitasyon at iba pang panlipunang serbisyo.
Manggagawang pangkalusugan sa Maynila. Nagrali ang mga manggagawang pangkalusugan ng Tondo Medical Center (TMC) noong Oktubre 27 para igiit na ibigay ang nakabimbin nilang benepisyo. Mahigit 10 manggagawang pangkalusugan na ang nagresayn sa ospital dahil sa kawalan ng proteksyon, sobrang trabaho at mababang sahod. Walang dagdag na badyet ang ospital sa kabila ng patuloy na pagdami ng mga pasyente nito.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/07/mga-protesta-2/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.