Saturday, November 21, 2020

EASTMINCOM: 19 na dating CNT nakatanggap ng tulong pampinansyal sa DSWD

Posted to the Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) Facebook Page (Nov 21, 2020): 19 na dating CNT nakatanggap ng tulong pampinansyal sa DSWD



MALITA, Davao Occidental - Nakatanggap ng tulong-pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 19 na dating Communist NPA Terrorist (CNT) na sumuko sa 73rd Infantry Battalion na ginanap kahapon, Nobyembre 18, 2020 sa kampo ng kasundaluhan.

Sa pamamagitan ng programa ng DSWD na Community Base Services Section, ang mga dating rebelde ay nakatanggap ng salapi na nagkakahalaga ng anim na libong piso (PhP 6,000) bawat isa.

Sa panayam, sinabi ni Gemma Dela Cruz na "Mao nga gitawag kini nga Community Base Service (CBS) tungod kay kini iya sa komunidad ug nahimo ka nga bahin niini sa imong pagkabig sa gobyerno."



(Kaya ito tinawag na Community Base Service ay dahil para ito sa komunidad at naging parte na kayo nito nang kayo ay nagbalik-loob sa gobyerno).

Ipinarating din ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, ang kanyang pasasalamat sa ahensya ng DILG at DSWD. Kanya ding nabanggit ang kanyang mensahe sa mga sumuko. "Ang mga tulong na ibinibigay sa inyo ay upang mabago ang inyong nasirang buhay sa pagsanib sa mga rebelde. Nawa'y ang ibinigay ay makatulong sa inyo,” kanyang sabi.

Sa pamamagitan ng CBS, napipigilan ang karahasan at ang mga negatibong epekto nito sa komunidad. Isa ito sa pamamaraan ng gobyerno upang bigyan ng pagkakataong magkaroon ng panibagong buhay ang mga rebelde sa kabila ng mga nagawa nitong pagkakamali noon.

Source: Civil-Military Operations Office, 73rd Infantry Battalion, Joint Task Force Agila, PA

https://www.eastmincomafp.com.ph/2020/11/19-na-dating-cnt-nakatanggap-ng-tulong.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.