Saturday, November 21, 2020

CPP/Ang Bayan: Dumog ng mga pasista sa Bukidnon at Lanao Sur

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Nov 21, 2020): Dumog ng mga pasista sa Bukidnon at Lanao Sur

.

Dinumog ng 900 sundalo ng 82nd IB, 51st IB, 58th IB, 1st Special Forces Battalion at Scout Rangers ang mga barangay sa hangganan ng Talakag, Bukidnon at Tagoloan II, Lanao del Sur noong Oktubre 15-21.

Umatake sa mga barangay ng San Rafael, Lemonsudan at Kibulag sa Talakag noong Oktubre 15 ang mga sundalo lulan ng limang trak at dalawang armored personnel carrier (APC). Nagpwesto din ng dalawang kanyon sa lugar. Kinabukasan sa Tagoloan II, 16 na trak ng militar ang dumumog sa Barangay Pinilayan, liban pa sa tigdalawa ring APC at kanyon. Nagdagdagan pa ito ng apat na trak ng sundalo at walong trak ng suplay nang sumunod na araw.

Makalipas ang isang linggo, tatlong araw namang hinalihaw ng 5th IB ang mga baryo ng Maguing, Lanao del Sur. Walang-habas na nagpaputok ng 60mm na kanyon ang mga sundalo. Sapilitan ding pinasurender ang mga residente.

Muling dumagsa sa Barangay Lemonsudan ang limang KM35 na trak at 10 pang sasakyan lulan ang mga sundalo noong Oktubre 31. Nagsilbi silang pwersang panseguridad sa pagdating ng meyor ng Talakag at ni Communications Sec. Martin Andanar.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/11/21/dumog-ng-mga-pasista-sa-bukidnon-at-lanao-sur/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.