Saturday, November 21, 2020

CPP/Ang Bayan: Kabataan, nanawagan ng mga pagkilos

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Nov 21, 2020): Kabataan, nanawagan ng mga pagkilos



Youth strike o paglaban ng kabataan ang sigaw ng mga estudyante ng Ateneo de Manila University (ADMU) at University of the Philippines (UP)-Diliman sa Quezon City para singilin at wakasan ang kriminal na kapabayaan ng rehimeng Duterte. Tinatayang 400 kabataan ang nagtipon sa harapan ng ADMU noong Nobyembre 17 para hamunin ang rehimen na tugunan ang krisis dulot ng kalamidad at pandemya. Nagprotesta din sila noong Nobyembre 20. Pinangunahan ang mga pagkilos ng Kabataan Partylist at National Union of Students of the Philippines. Nagkaroon din ng mga pagkilos sa Bulacan at Cebu.

Sunud-sunod na naglabas ng deklarasyon ng paglaban ang mga kabataan matapos manawagan ang mga lider-estudyante ng ADMU na huwag magpasa ng mga rekisito hanggang hindi napatatalsik si Rodrigo Duterte sa poder. Sinundan ito ng mga pahayag ng mga estudyante sa iba pang unibersidad ng academic break o pansamantalang pagsuspinde sa mga online class. Pagtatapos naman ng semestre ang panawagan ng mga guro sa University of the Philippines-Diliman. Lahat sila’y nagkasundo na hindi makatarungan ang pagpapatuloy ng klase sa gitna ng mga kalamidad, kawalan ng matinong internet at di angkop na bigat ng mga akademikong rekisito.

Bitbit ng mga mag-aaral ang panawagang magbigay ng ilang araw na pagtigil sa eskwela para makapagpahinga ang mga mag-aaral at makaagapay lalo na ang mga tinamaan ng kalamidad. Apat na unibersidad pa lamang ang nagbigay ng isang linggong pahinga sa mga estudyante. Tumanggi ang Commission on Higher Education na magdeklara ng academic break sa pambansang saklaw. Naghain ng resolusyon ang kinatawan ng Kabataan Partylist sa kongreso para ibalangkas sa pambansang saklaw ang pagkakaroon ng pagtigil ng klase nang ilang araw.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/11/21/kabataan-nanawagan-ng-mga-pagkilos/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.