Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Nov 21, 2020): Protesta at kampanya para ipagtanggol ang kabuhayan
Matagumpay na napigilan ng barikada ng mga maralita ang demolisyon sa Sityo Back-Matimco, Barangay Subangdaku, Mandaue City, Cebu simula Nobyembre 11. Sinugod sila ng mga pulis at tauhan ng lokal na gubyerno para idemolis ang kanilang mga bahay sa ngalan ng pagpapalawak ng mga daan. Pinamunuan ang barikada ng Panaghugpong-Kadamay Cebu.
Sa Quezon City, mahigit 1,000 maralitang-lunsod ang nagprotesta sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City noong Nobyembre 18 para igiit ang kanilang karapatan sa disenteng paninirahan at kabuhayan.
Bago nito, noong Nobyembre 9, nagprotesta rin at nakipagdayalogo ang mga maralita sa pangunguna ng Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan sa lokal na gubyerno ng Quezon City. Pinahintulutan silang bungkalin ang 118-ektaryang tiwangwang na lupang sakop ng naturang barangay.
Samantala, nagprotesta ang mga drayber at opereytor ng dyip kasama ang kanilang mga tagasuporta sa Quezon City noong Nobyembre 9. Patuloy nilang Iginigiit ang pagbabalik-pasada ng lahat ng mga dyip.
Noong Nobyembre 18, nagtungo ang 700 drayber ng motorsiklo ng FoodPanda Philippines sa Department of Labor and Employment sa Intramuros, Manila para paimbestigahan ang pambabarat ng kumpanya sa kanila. Anila, mayroong mga pagkakataong nakatanggap lamang sila ng ₱11.45 para magdeliber ng pagkain sa byaheng may walong kilometro. Ang Food Panda ay pinatatakbo ng multinasyunal na kumpanyang Delivery Hero na nakabase sa Germany.
Dagdag sahod, naigiit ng unyon
Naigiit ng mga manggagawa ng Davao Central Chemical Corporation (DCCC) ang makatwirang dagdag-sahod at benepisyo sa kanilang collective bargaining agreement (CBA) para sa taong 2020-2022.
Pumirma sa CBA ang DCCC Independent Union-NAFLU-KMU at maneydsment ng kumpanya noong Nobyembre 17. Ang naturang kumpanya ay nag-eeksport ng activated carbon at iba pang kemikal.
Nakamit ng mga manggagawa ang ₱1,350 kada buwan na dagdag sahod sa 2021 at panibagong dagdag sa 2022. Naidagdag rin sa listahan ng mga benepisyo ang insentibong ₱2,500 para sa mga nagseserbisyo na ng limang taon.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/11/21/protesta-at-kampanya-para-ipagtanggol-ang-kabuhayan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.