Thursday, November 28, 2019

CPP/Ang Bayan: Upisina ng Ibon Foundation at Altermidya, tinangkang pasukin

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Nov 21, 2019): Upisina ng Ibon Foundation at Altermidya, tinangkang pasukin

TINANGKANG PASUKIN NG mga pulis ang mga upisina ng Ibon Foundation at Altermidya sa Timog Avenue sa Quezon City at ang upisina ng Philippine Collegian, pahayagang pangkampus ng University of the Philippines-Diliman.

Noong Nobyembre 7, tumawag ang isang upisyal ng National Capital Region Police Office na magsasagawa ito ng inspeksyon sa Ibon Building kung saan nag-uupisina ang Altermidya at iba pang mga lokal at internasyunal na organisasyon. Tatlong lalaki naman ang nagpumilit na pumasok sa upisina ng Philippine Collegian noong Nobyembre 16 para rin umano mag-inspeksyon.

Ayon sa Altermidya, ang walang batayang pagpasok sa kanilang upisina ay maituturing na atake sa kalayaan sa pamamahayag.

Samantala, isang mamamahayag ang binaril at napatay noong Nobyembre 7 sa Dumaguete City, Negros Oriental. Kinilala ang biktima na si Dindo Generoso. Papunta ang biktima sa istasyon ng radyo kung saan mayroon siyang programa. Binaril siya sa loob ng kanyang kotse.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/11/21/upisina-ng-ibon-foundation-at-altermidya-tinangkang-pasukin/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.