NPA-Sorsogon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 22): Pagpaparusa ng BHB kay Eddie Embile
Ka Samuel Guerrero, Spokesperson
NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)
22 May 2018
Isinakatuparan ng mga pulang mandirigma ng CMC-BHB ang pagpaparusa sa sagadsaring espiya at giya ng militar na si Eduardo “Eddie” Embile ngayong Mayo 20, 2018.
Si Eddie ay aktibong espiya at giya ng 31st IBPA (Infantry Battalion-Philippine Army) sa pagkubkob sa mga kasama noong Hulyo 4, 2013 sa Barangay Calmayon, Juban, Sorsogon. Na nagresulta sa pagkamartir ng walong magigiting na kasamang sina: Ka Greg Banares, ang tagapagsalita ng NDF-Bicol; Ka Nel, ng Public Information Bureau ng NDF; Ka Jay, Ka Gary, Ka Kevin, Ka Miloy, Ka Rey at Ka Nene na mas kilala bilang Juban Eight.
Isa si Eddie sa aktibong nagmanman sa presensya ng mga kasama sa nasabing lugar hanggang sa mismong paggiya sa mga elemento ng 31st IBPA para makubkob ang posisyon ng mga kasama at maisakatuparan ng berdugong 31st IBPA ang pagmasaker sa walong magigiting na kasama. Matapos ang masaker ay tumanggap si Eddie ng salapi mula sa militar bilang pabuya ng kanyang naging papel sa operasyon.
Nagsilbing giya din sa mga operasyong militar at pagpapakubkob sa bahay ng ilang kasama at masa sa mga bayan ng Juban at Bulan noong 2011 matapos syang pumasok bilang CAFGU. Umalis sya sa pagiging CAFGU dahil sa panghihikayat ng kamag-anak, subalit sa halip na magbago ay nagpatuloy ng kanyang gawaing kontra-rebolusyon.
Ang parusang kamatayan kay Eddie ay isang hakbang sa pagkakamit ng rebolusyonaryong hustisya para sa walong mahuhusay at magigiting na kasama at para sa sanlaksang biktima ng pamamaslang at paglabag ng reaksyonaryong estado sa karapatang pantao. Nagsisilbi rin itong babala sa mga ispeya, abusadong kasapi ng AFP, PNP, CAFGU at masasamang loob sa probinsya na tumigil na sa kanilang kontra-mamamayang aktibidad.
Pagpupugay sa mga magigiting na kasama na nag-alay ng kanilang buhay para sa rebolusyon!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Rebolusyon!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.