NPA-Southern Tagalog propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jan 7): Militarisasyon ng DILG, tutulan at labanan!
Jaime “Ka Diego” Padilla, Spokesperson
NPA-Southern Tagalog (Melito Glor Command)
7 January 2018
Ang pagtatatalaga ni Duterte kay Gen. Eduardo Año bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay isang malinaw na hakbang ng pasista at tiranikong rehimen na kontrolin ang buong local government system. Tahasang nilabag ng reaksyunaryong gubyerno ang sarili nitong konstitusyon upang tiyaking hawak na ni Año ang DILG kahit hindi pa nakukumpleto ang isang taong retirement period ng isang pampublikong opisyal bago muling humawak ng anumang tungkulin sa gubyernong sibil.
Gusto ng rehimen na hawakan at pasunurin ang lokal na gubyerno sa bawat kagustuhan ng Malakanyang. Ito ay hakbang upang gipitin ang mga lokal na ehekutibo tulad ng kanyang ginawa kina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parajinog na mga kaaway sa pulitika ng mga kroni ni Duterte at karibal sa negosyo ng illegal drugs. Ang pag-akto ni Año bilang OIC ng DILG ay isang paraan ng pagkontrol sa lokal na gubyerno habang hindi pa naipapatupad sa pambansang saklaw ang Martial Law.
Militaristang kontrol ang sagot ni Duterte sa hanay ng mga lokal na gubyerno upang mapayukod sila sa lahat ng kumpas ng rehimen. Malinaw na intimidasyon sa mga lokal na gubyernong di niya kaalyado ang pagtatalaga kay Año bilang tagapangasiwa ng DILG. Isa rin itong anyo ng panggigipit upang takutin ang mga lokal na gubyerno na makipagugnayan sa rebolusyunaryong kilusan.
Dapat mahigpit na tutulan at labanan ng mamamayang Pilipino ang anumang tangka ng pasistang rehimeng US-Duterte upang ibayong palawakin ang saklaw ng kanyang kontrol. Marapat na tumindig ang mga makabayang opisyal sa mga lokal na gubyerno laban sa militaristang pagkontrol ng rehimeng US-Duterte sa local government system. Kailangan ang ibayong pagpupursige ng sambayanang Pilipino upang ipagtanggol ang kanilang mga demokratikong karapatan. Sa pamamagitan ng mahigpit na pagsalig nila sa rebolusyonaryong kilusan upang ibagsak ang tiraniko at pasistang rehimeng US-Duterte lamang makakamit ang tunay na kalayaan at demokratikong kahilingan ng sambayanan.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.