Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jan 7): 2 POW, pinalaya
BILANG PAGPAPAKITA ng sinseridad sa pakikipag-usapang pangkapayapaan, pinalaya ng Front 16 ng Bagong Hukbong Bayan-North Eastern Mindanao Region (BHB-NEMR) noong Disyembre 20 ang mga prisoner of war (POW o bihag ng digma) na sina PO2 Jhon Paul M. Doverte at PO2 Alfredo L. Degamon. Dinakip ang dalawa matapos ang matagumpay na reyd ng mga Pulang mandirigma sa isang outpost ng pulis sa Bad-as, Placer, Surigao del Norte noong Nobyembre 13, 2017.
Sa imbestigasyon ng BHB, napag-alaman na bahagi ang dalawang pulis sa pangingikil sa mga maliliit na nagmimina at protektor ng bentahan ng iligal na droga sa Placer. Tiniyak naman ng BHB-Front 16 Custodial Force ang pangangalaga sa mga ito sa loob ng 36 na araw. Siniguro rin ng yunit ng BHB na nasusunod ang mga probisyon sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at mga internasyunal na batas ng digma, kabilang ang pangangalaga sa kanilang seguridad, kalusugan at pagkain.
Nauna nang naitakda ang pagpapalaya noong Disyembre 5, 2017 bilang tugon sa panawagan ng mga pamilya ng dalawang POW at pagsisikap na itaguyod ang pakikipag-usapang pangkapayapaan. Subalit dahil sa patuloy na pag-atake ng 402nd IBde ng AFP at PNP Caraga sa mga komunidad ng Surigao del Norte kung saan nakatakdang palayain ang mga POW, naantala ang pagpapalaya sa kanila. Sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga upisyal ng lokal na gubyerno, third party facilitators at taong simbahan, naisagawa ang pagpapalaya sa mga POW. Sa kabila rin ng pananakot ng AFP-PNP na hindinito ititigil ang mga operasyong pagtugis, mahigit 500 katao ang dumating sa pagtitipon.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20180107-2-pow-pinalaya/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.