Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jan 7): Mga armadong aksyon ng BHB sa Mindanao, mahigit 700 sa 2017
Nitong nagdaang taon sa Mindanao, abereyds na dalawang armadong aksyon bawat araw ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) bilang tugon sa todo-gera ng rehimeng US-Duterte. Sa mga ito, mahigit 180 ang inisyatiba ng BHB sa North Eastern Mindanao, 131 ang mula sa North Central Mindanao, humigit kumulang 80 mula sa Western Mindanao, 219 mula sa Southern Mindanao at mahigit 100 mula sa Far South Mindanao. Sa panimulang mga ulat, hindi bababa sa 266 armas ang nakumpiska mula sa mga aksyong ito.
Resulta rin ng mga armadong aksyon sa nagdaang taon sa isla, nagtamo ang mga armadong pwersa ng rehimeng Duterte ng halos dalawang batalyong kaswalti (mahigit 500 patay at mahigit 200 sugatan). Mahigit 11 ring mga elemento ng AFP, PNP at mga paramilitar ang nabihag ng mga yunit ng BHB.
Dagdag rito, pinatawan ng parusa ang ilang plantasyon at kumpanya na labis na nagsasamantala at nang-aapi ng mga manggagawa, magsasaka at Lumad at sumisira sa kapaligiran.
Sa pahayag ni Ka Joaquin Jacinto, tagapagsalita ng National Democratic Front-Mindanao, sinabi niya na sa pagharap sa nag-uulol na kampanyang militar ng AFP, pinanghawakan ng mga yunit ng BHB sa isla ang abante at opensibang postura. Bunga nito, napanatili ng BHB ang mataas na kapasyahan nito sa paglilingkod at pagtatanggol sa mamamayan.
Gayundin, walang yunit ng BHB sa isla ang nadurog sa kabila ng pagsagawa ng AFP ng mga airstrike, mahahabang operasyong nakapokus at mga drone strike. Kakumbina rin ng mga ito ang paninira sa rebolusyonaryong kilusan, mga pekeng raling pangkapayapaan at pekeng pagpapasuko. Sa katunayan, ani Jacinto, lumaki ang bilang ng mga platun at kumpanya ng BHB kumpara sa nagdaang taon.
Martsa ng NCMR
Sa pangunguna ni Ka Norcen Manggubat, tagapagsalita ng PKP-NCMR, binigyang-pugay ng Partido ang mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan ng rehiyon sa mga nakamit nilang tagumpay sa 2017 sa larangan ng pagpapalakas ng hukbong bayan, pagpapalawak ng baseng masa, paglulunsad ng mga kampanyang masa at ibayong pag-abante ng armadong pakikibaka. Sa kabila ito ng malawakan at matinding mga atake ng reaksyunaryong estado sa rehiyon.
Sa loob ng isang taon, lumaki nang 17% ang bilang ng mga baryong nasasaklaw ng rebolusyonaryong kilusan. Kaalinsabay nito ang paglaki rin ng bilang ng organisadong masa nang 21%. Dalawampu’t dalawang kampanya ang nailunsad, kabilang yaong sa ilalim ng rebolusyong agraryo at mga pakikibakang masa para sa karapatan sa lupa, kabuhayan, maayos na paninirahan at iba pa. Umabot sa inter-munisipalidad na antas ang mga kampanyang ito na nagbenepisyo sa libong mga pamilya.
Nakapaglunsad din sa rehiyon ng 43 bats ng Batayang Kurso ng Partido at dalawang bats ng Abanteng Kurso. Lumaki rin ang kasapian ng Partido nang 13%.
Sa isang pahayag sa bidyo, ibinahagi naman ni Ka Malem Mabini, tagapagsalita ng BHB sa rehiyon, ang paglaki ng kasapian ng hukbong bayan bunga ng mga pakikibakang masa at programa sa pagpapasampa. Ang karagdagang mga tauhang ito ng hukbong bayan ang nakatulong sa pagpapalawak sa ibang erya na sa nakaraan ay hindi pa naabot ng pagkilos. Gayundin, lumaki ang bilang ng kasapian ng milisyang bayan na katuwang sa mga inilulunsad na taktikal na opensiba, pagtaguyod sa gubyernong bayan at rekrutment para sa hukbo.
Ilang bats din ng Batayang Kursong Pulitiko-Militar ang nailunsad sa rehiyon kalahok ang maraming upisyal at mandirigma ng BHB. Bahagi ng mga pagsasanay na ito ang paglahok sa aktwal na kombat sa mga inilulunsad na opensiba laban sa kaaway sa pamamagitan ng reyd, ambus at iba pa.
Dagdag pa ni Ka Malem, makakaasa ang mamamayan sa rehiyon na sa taong 2018, lilikumin ng mga rebolusyonaryong pwersa ang lahat ng pagsisikap para makamit ang tinatanaw na estratehikong patas ng digmang bayan. Nananaginip ang rehimeng Duterte, kabilang na ang bayaran niyang AFP at PNP, na mapapawi nila ang rebolusyonaryong kilusan. Mabibigo sila. Hindi papayag ang mamamayan at ang rebolusyonaryong kilusan na mawala ang naipundar na mga tagumpay sa loob ng limang dekada.”
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20180107-mga-armadong-aksyon-ng-bhb-sa-mindanao-mahigit-700-sa-2017/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.