Ang Bayan editorial posted to the Communist Party of the Philippines Website (Nov 7): 100 Taon Rebolusyong Oktubre 2017
Mensahe para sa mga Pilipinong Komunista kaugnay sa Rebolusyong Oktubre
Rebolusyong Oktubre: Ang tanglaw sa pagsusulong ng Rebolusyong Pilipino
Jose Maria Sison
Tagapangulong Tagapagtatag
Partido Komunista ng Pilipinas
Mahal na mga Kasama,
Nagagalak at nagpapasalamat ako sa paanyayang magpaabot ng mensahe sa lahat ng Pilipinong komunista sa pamamagitan ng Ang Bayan at lumahok sa selebrasyon ng ika-100 anibersaryo ng Dakilang Sosyalistang Rebolusyon ng Oktubre sa pamamagitan ng ispesyal na isyu nito.
Nais kong iugnay ang Rebolusyong Oktubre sa umiiral na rebolusyong Pilipino at ialok sa inyo at lahat ng mambabasa ng Ang Bayan ang isang tala ng mga akdang ginawa ko magmula pa noong Mayo 5 nang inilunsad sa Pilipinas ang pandaidigang selebrasyon ng Rebolusyong Oktubre na pinangunahan at inorganisa ng International League of Peoples´ Struggle at People´s Resource for International Solidarity and Mass Movement.
Bunga ng rebisyonistang pagtataksil sa sosyalismo, nasa panahon pa tayo ng makabagong imperyalismo at rebolusyong proletaryo. Matapos ang ganap na panunumbalik ng kapitalismo sa mga mayor na sosyallstang bansa at pagguho ng Unyong Sobyet sa mga taong 1989-1991, ang estratehikong pag-atras ng layuning sosyalista ay diniinan ng mga opensibang ideolohikal, pulitika, ekonomiko at militar ng imperyalismong US bilang nagsosolong superpoder.
Sa ganitong kalagayan, naging tampok ang demokratikong rebolusyon ng bayan sa Pilipinas sa pananatiling matatag at sa pag-unlad nang umaasa sa sarili sa landas ng rebolusyonaryong pakikibaka para sa pambansa at panlipunang pagpapalaya. Ipinamalas nito sa proletaryado at mamamayan ng daiggdig na maaaring magsagawa ng rebolusyonaryong pakikibaka laban sa imperyalismong US at reaksyon, maging malakas at nakakabuhay sa layuning sosyalista kahit na sa isang bansang base ng imperyalismong US sa rehyong Asya-Pasipiko.
Ang Partido Komunista ng Pilipinas na namumuno sa demokratikonng rebolusyon ng bayan ay sumusunod sa mga turo ni Lenin at sa halimbawa ng Rebolusyong Oktubre sa teoretikal na konteksto ng Marximo-Leninismo-Maoismo. Sa gayon nananatili at nakakapagpalakas ito. Kaalinsabay nito, nasasaksihan nito ang global na ispektakulo ng imperyalismong US na aroganteng nagbabanat at nagpapahina sa sarili at nagpapabilis sa estratehikong panghihina nito sa pagpapalubha at pagpapalalim ng krisis ng kapitalismo at pagwawaldas sa makaking rekursong pantao at at materyal sa pamamagitan ng neoliberal na ekonomikong opensiba at walang tigil na mga gera ng agresyon.
Sa panahong ito, nakikita na nating ang malakihang transisyon sa isang rebolusyonaryong agos sa global na saklaw. Lahat ng mayor na kontradiksyon ay tumitindi: sa pagitan ng kapital at paggawa sa mga bansang industriyal kapitalista; sa pagitan ng imperyalismo at mga mamamayang inaapi; sa pagitan ng imperyalismo at mga bansang nagggumiit sa kasarinlan; at sa hanay ng mga imperyalistang kapangyarihan. Sa pagiging mayor na kapitalistang kapangyarihan, ang Tsina at Rusya ay mapagpasya sa pagpapatindi sa mga kontradiksyon sa hanay ng mga imperyalista sa isang mulitpolar na daigdig.
Higit sa dati, ang Rebolusyong Oktubre ay tanglaw sa rebolusyong Pilipino. Ang pagpupursigi ng proletaryado at mamamyang Piilipino sa rebolusyonaryong pakikibaka ay mayor na sangkap ng may kabuluhang global sa paghahanda ng muling pagsulong ng anti-imperyalistang pakikibaka para sa pambansang kalayaan, demokrasya at sosyalismo. Gayundin nakikinabang sila sa ganitong pagsulong ng pandaigdigang rebolusyong proletaryo.
Napatunayan ang teorya ng Kasamang Mao hinggil sa pangangailangan ng patuloy na rebolusyon sa ilalim ng diktadurang proletaryo sa pagturol sa makabagong rebisyonismo bilang pangunahing makamatay na banta sa layuning sosyalista at sa internasyonal na kilusang komunista at sa paglalahad ng mga prinsipyo at pamamaraan ng rebolusyong kultura sa paglaban sa rebisyonismo, pagpigil sa panunumbalik ng kapitalismo at pagkonsolida ng sosyalismo sa lipunang sosyalista.
Tulad ng Komuna ng Paris ng 1871, tiinalo ng burges na kontrarebolusyon ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Kultural ng 1966-76. Subalit nagpamana ito sa atin ng mahahalagang aral sa paglaban at pagsusulong ng sosyalismo sa patuloy na epokal na tunggalian ng proletaryado at burgesya, sa pagitan ng sosyalismo at kapitalismo.
Umaasa ako na ibayong liliwanag sa inyo ang mga sinabi ko kung basahin at aralin ninyo ang inaalok kong tala ng mga sinulat ko kaugnay ng selebrasyon ng ika-100 anibersaryo ng Rebolusyong Oktubre.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. It can be downloaded from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.
Ang Bayan welcomes contributions in the form of articles and news items. Readers are encouraged to send feedback and recommendations for improving our newspaper. Send your messages to cppinformationbureau@gmail.com
Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/201711-100-taon-rebolusyong-oktubre-2017/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.