Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Oct 7): Tumitinding atake sa mga kabataan-estudyante
NOONG SETYEMBRE, sunud-sunod ang mga atake sa mga demokratikong karapatan ng mga kabataan-estudyante.
Sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa kampus nito sa Sta. Mesa, Maynila, unang tinanggal sa pwesto ang kinatawan ng mga mag-aaral sa Board of Regents at nagtalaga ng bagong regent na pinili ng administrasyon. Sinundan ito ng pagpapasara sa upisina at tambayan ng mga organisasyon, gayundin ang publikasyong pangkampus na The Catalyst noong Setyembre 27. Kasabay nito, isinuspinde ng administrasyon ang eleksyon ng konseho ng mga mag-aaral. Para ipatupad ang mga hakbang na ito, dinahas ang mga estudyanteng nagtatanggol rito at pinagbantaan ang mga organisasyong progresibo sa unibersidad.
Layunin ng sunud-sunod na mga atakeng ito na lubusang patahimikin ang mga estudyante at alisin ang mga hadlang sa plano ng administrasyon ng komersyalisasyon ng PUP. Kabilang dito ang ilang taon nang planong itaas ang matrikula at mga bayarin, ipatupad ang planong uniporme at iba pang mga dagdag na mapagkakitaan. Tuluy-tuloy ang protesta ng mga estudyante ng pamantasan para labanan ang mala-batas militar na hakbang ng administrasyon.
Sa University of the Philippines-Diliman, ipinatupad ng administrasyon ng College of Mass Communications ang patakarang nagbabawal sa mga bagong estudyante na sumali sa mga organisasyon sa loob ng kolehiyo. Tinanggal rin ang tambayan ang mga organisasyon at ang upisina ng konseho ng mag-aaral at ng Tinig ng Plaridel, ang publikasyon sa kolehiyo. Habang inaatake ang karapatan ng mga estudyante, pinayagan naman ng administrasyon ng kolehiyo ang pagpasok ng mga upisyal ng pulis para raw sa ilulunsad na ‘communication skills workshop’.
Sa Lyceum of the Philippines University, tinanggal ng administrasyon ang kasalukuyang lupon ng mga editor ng The Sentinel, ang upisyal na pahayagan ng mga estudyante ng pamantasan, at tinanggal ang pondo nito.
Sa Bicol, nadiskubre noong Setyembre 25 na nilagay ng AFP sa kanilang ‘watch-list’ ang mga publikasyong pangkampus ng Camarines Sur Polytechnic College-Nabua (The Spark), Ateneo de Naga University (The Pillars), Mariners Polytechnic College Foundation (Seafarer’s Gazette) at Central Bicol State University of Agriculture (The Stateans).
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20171007-tuxadmixadtinxadding-ataxadke-sa-mga-kaxadbaxadtaxadan-esxadtudxadyanxadte/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.