Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Oct 7): 20 armas, nasamsam ng BHB
UMAABOT SA 11 malalakas na armas, dalawang pistola at samutsaring gamit-militar ang nasamsam ng iba’t ibang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) nitong nakaraang dalawang linggo. Samantala, siyam na matataas na kalibreng armas at apat na pistola ang nasamsam sa isang reyd sa Bulacan noong Hulyo.
North Central Mindanao. Inilunsad ng BHB-Eastern Misamis Oriental-Northeastern Bukidnon Subregional Command ang tatlong sabay-sabay na aksyong militar noong hatinggabi ng Setyembre 29 sa iba’t ibang barangay sa Impasug-ong, Bukidnon. Una rito ang reyd sa CAA Patrol Base ng 8th IB sa KM30, Sityo Nasandigan, Barangay Calabugao kung saan nakasamsam ang BHB ng dalawang M14, dalawang garan, dalawang karbin, at tig-isang shotgun at pistolang kalibre .38. Pangalawa ang harasment sa isa pang CAA patrol base sa Barangay Hagpa. Pangatlo ang pagdisarma sa upisina ng mga gwardya ng National Greening Program sa Sityo Bagaay, Barangay Calabugao. Nakumpiska rito ang isang karbin.
Far South Mindanao. Matagumpay na nadis-armahan ng mga Pulang mandirigma noong Setyembre 23 si Egong Pidad, dating kapitan sa Barangay Maligang, Kiamba, Sarangani Province. Isang garan, pistolang kalibre .38 at isang shotgun ang nakuha mula sa kanya. Inatake rin ng mga Pulang mandirigma ang mga armadong myembro ng Civilian Volunteer Organization sa Barangay Tudok, T’boli, South Cotabato noong Setyembre 27. Kaagad na isinurender ng mga paramilitar ang kanilang mga baril kabilang ang isang M16 armalayt, isang ripleng garan at isang karbin. Nakasamsam din ang mga Pulang mandirigma ng isang radyong 2-way, dalawang klip ng garan, dalawang magasin ng karbin at mga bala nito.
Bicol. Inilunsad ng isang iskwad ng BHB-Sorsogon (Celso Minguez Command) ang operasyong haras sa detatsment ng 3rd Manuever Company ng 5th PPSB at pagsunog sa mga walang plakang motorsiklo sa loob ng kampo sa Barangay San Ignacio, Gubat, Sorsogon noong Setyembre 18. Ang aksyon ng BHB ay bahagi ng pagsingil sa mga yunit ng militar at pulis sa aktibong paglahok ng mga ito sa mga ekstrahudisyal na pamamaslang sa lalawigan.
Negros. Pinarusahan din ng BHB-South West Negros (Armando Sumayang Command) si Joevanie Banista noong Setyembre 9, sa Barangay Lukotan, Kabangkalan City. Nakuha sa kanya ang isang kalibre .45 pistola na may tatlong magasin. Isa si Banista sa mga tauhan ng RPA-ABB na nagpagamit sa militar sa kanilang programang kontra-insurhensya sa Southwest Negros mula pa dekada 1990. Nagsilbi rin siyang ahenteng paniktik ng AFP. Maraming kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang nakasampa laban sa kanya sa hukumang bayan.
SAMANTALA, SA CENTRAL Luzon, matagumpay na sinalakay ng isang platun ng BHB-Bulacan ang upisina at detatsment ng mga armadong tauhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)-Ayala Land sa Barangay San Isidro, San Jose Del Monte City, Bulacan, noong gabi ng Hulyo 23. Nasamsam dito ang 13 armas kabilang ang siyam na mataas na kalibreng baril at apat na pistola, mga bala at iba pang kagamitang militar tulad ng radyong 2-way, sapatos at mga pak. Bago nito, nireyd ng isang platun ng BHB ang mga armadong maton ni Atty. Artemio Caña, isang mangangamkam ng lupa, sa Barangay San Mateo, Norzagaray, Bulacan.
Ayon kay Ka Jose del Pilar ng BHB-Bulacan, ang reyd na ito ay tugon sa sigaw para sa hustisya sa mga katutubong Dumagat, magsasaka at mamamayan na pinagsasamantalahan ng sabwatang BSP-Ayala Land. Nagsimulang mangamkam ng lupa ang sabwatang BSP-Ayala Land sa ilalim ng nakaraang rehimeng Aquino. Bumilis, mas naging marahas at malawakan ang pangangamkam ng mga ito sa ilalim ng kasalukuyang rehimen.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20171007-20-arxadmas-naxadsamxadsam-ng-bhb/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.