From DWDD AFP Civil Relations Service Radio Website (Aug 9): PAGBAWI SA MGA BIHAG NG MAUTE, TINIYAK NG KASUNDALUHAN
Kumpiyansa ang mga kasundaluhan na kanilang mababawi ang mga bihag na nasa kamay ng mga ISIS-inspired Maute sa itinakda nitong “last lap” ng sagupaan sa Marawi City.
Matatandaang pumutok ang labanan ng mga kasundaluhan kontra Maute noong Mayo 23 at nasa ikatlong buwan na ito ngayon.
Ayon sa mga kasundaluhan na naroon sa Marawi, umabot na sa daan-daan ang mga bihag na nasa puder ng teroristang grupong ito.
Ayon kay Armed Forces Chief General Eduardo Año, nasa kamay pa rin ng mga terorista si Father Teresito Soganub at iba pang mga sibilyan na ginagawang human shield ng mga Maute sa kasagsagan ng bakbakan.
Sinabi naman ni Chief of the Military Public Affairs Office Colonel Edgard Arevalo na kanilang sinisiguro ang pagkakabawi sa mga bihag bago magtapos ang labanan sa Marawi.
Sa mga ulat na nakalap ng mga kasundaluhan sa Marawi, tumutulong na sina Father Chito at ang iba pang mga bihag sa mga terorista dahil sa tinatawag na Stockholm Syndrome o ang pagsanib sa grupong bumihag sa kanila na dulot ng stress o takot.
Kaugnay nito, sinabi ni Arevalo na ituturing na ng mga kasundaluhan na “combatants” ang mga bihag dahil sa hindi inaasahang sitwasyon na pagsanib ng mga bihag sa mga terorista.
Samantala, nagpapatuloy ang bakbakan sa Marawi City at inaasahang humupa na sa susunod na mga araw.
http://dwdd.com.ph/2017/08/09/pagbawi-sa-mga-bihag-ng-maute-tiniyak-ng-kasundaluhan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.