Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Aug 7): Ka Carlo at Ka Billy, mga martir ng Sorsogon
Binigyan ng pinakamataas na pagpupugay ng Partido Komunista ng Pilipinas at buong rebolusyonaryong kilusan sa Bicol sina Andres “Ka Carlo” Hubilla, Miguel “Ka Billy” Himor, at ang mga magsasakang sina Arnel Borres at Dick Laura na minasaker ng mga reaksyunaryong pwersa noong Hulyo 28 sa Brgy. Trece Martirez, Casiguran, Sorsogon.
Si Andres Hubilla ay kilala bilang Ka Carlo, Ka Magno, Ka Bunso at Lolo Pay para sa napakaraming kabataang nakasaksi’t nakapiling niya sa kanyang walang sawang pakikisalamuha sa masa. Ipinanganak siya noong Nobyembre 30, 1958, sa Sta. Cruz, Casiguran, Sorsogon.
Unti-unting namulat si Ka Carlo sa pagmasid sa mga pulong pag-aaral ng Kabataang Makabayan, kung saan myembro ang isa niyang kapatid. Labing-apat na taong gulang siya nang iligal siyang inaresto, ikinulong at tinortyur noong 1975 matapos ipinagkanulo ng isang impormer. Matapos maipanalo sa korte ang kanyang kaso, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Likas na lider, naging tagapangulo siya ng Sangguniang Kabataan sa kanilang lugar noong 1976.
Nag-aral siya ng BS Education sa Annunciation College ng Sorsogon habang nagtatrabaho bilang kasambahay. Habang nagtuturo sa hayskul, pumaloob siya sa Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid noong 1984. Noong 1986, sumumpa siya bilang kandidatong kasapi ng PKP. Taong 1987 nang magpasya siyang magpultaym sa BHB. Noong 1989, naging ganap siyang kasapi ng PKP.
Sadyang malapit ang loob ni Ka Carlo sa mga bata. Maliban sa kanyang limang anak, itinuring niyang anak ang lahat ng bata sa lahat ng lugar na napuntahan niya. Hindi na mabilang ang mga batang nakapagpatuloy ng pag-aaral dahil sa pagpupursige niya’t kanyang kolektibo na makapagpalitaw ng mga rekurso para sa pag-aaral ng mga bata.
Matapos ang ilang dekada ng matapat na pagsisilbi at walang pag-aalangang paghubog sa sarili bilang komunista, ihinirang siyang kalihim ng Komite ng Partido sa Sorsogon at di kalauna’y kagawad ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komiteng Rehiyon.
Bilang kalihim ng Sorsogon, malaki ang naiambag ni Ka Carlo at ang kanyang kolektibo sa paglalatag ng lakas at pagbabalanse ng rebolusyonaryong pwersa sa buong rehiyon at bansa. Buong tatag na hinarap ng prubinsya at higit pang nakapagpalakas at nakapagpalawak sa kabila ng pananalasa ng magkakasunod na oplan ng pasistang estado.
Apat na beses na siyang nakulong at sa lahat ng pagkakataong ito ay nakaalpas siya’t nakabalik sa piling ng masa’t pulang hukbo sa iba’t ibang paraan.
Kahit nakapiit ay nagpatuloy sa pag-oorganisa si Ka Carlo. Sa kanyang paggabay, naging aktibo ang mga nakakarsel sa pagbubuklod at pagkilala ng maaari pa nilang maiambag sa lipunan.
Isinilang naman si Miguel “Ka Billy” Himor noong Mayo 28, 1996 sa kaparehong baryo ni Ka Carlo. Bata pa lamang siya’y aktibo na sa grupo ng kabataan. Sa murang edad ay malinaw na ang pangarap ni Ka Billy na maging Pulang mandirigma. Aktibo niyang ginampanan ang mga gawaing itinakda sa kanya ng Partido habang naghihintay na dumating sa tamang edad para matanggap sa BHB. Nagtrabaho siya sa Maynila habang naghihintay. Matapos ang kanyang ika-18 kaarawan, kagyat siyang umuwi sa Bicol para sumampa sa BHB taong 2014.
Isa si Ka Billy sa mga kabataang hukbo na kinakitaan ng potensyal sa gawaing militar. Pinagagaan niya ang pagharap sa mga sakripisyo sa mga pagpapakwela. Bukod-tangi rin ang disiplinang ipinakita niya sa pagkapit sa prinsipyo ng simpleng pamumuhay at tuluy-tuloy na pagpapanibagong hubog laluna nang maipakat sa gawaing istap ng prubinsya. Bago pa lamang nakapag-asawa si Ka Billy noong Marso 29, 2016, at puno ng pag-asa sa pagbubuo ng rebolusyonaryong pamilya.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170807-ka-carxadlo-at-ka-billy-mga-marxadtir-ng-sorxadsoxadgon/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.