Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Aug 7): Pananagutan ni Duterte ang pagpaslang kina Carlo at Billy
NOONG HULYO 28, kinubkob ng pinagsamang pwersa ng Sorsogon Police Public Safety Coy, 96th Military Intelligence and Combat Operatives, 31st IB at 22nd IB ang bahay na pansamantalang tinutuluyan nina Ka Carlo at Ka Billy. Nakalayo si Ka Carlo pero agad siyang binaril. Nahuli rin si Ka Billy at ang mga magsasakang sina Arnel Borres at Dick Laura. Pinaslang silang lahat. Ayon sa mga residente ng lugar, walang engkwentrong naganap.
Pinananagot ng PKP si Duterte mismo sa kriminal na responsibilidad nito sa naturang masaker. Ilang araw bago ang pamamaslang, nag-utos si Duterte sa kanyang mga tauhan na patayin ang mga mandirigma ng BHB sa halip na arestuhin ang mga ito. Nang masukol ng kaaway, dapat na kinilala sina Ka Carlo at Ka Billy sa katayuang hors de combat (mga kombatant na wala na sa pusisyong lumaban), iginalang ang mga karapatan at trinato nang makatao.
Sa naganap na masaker sa Casiguran, nangako ang PKP at buong rebolusyonaryong kilusan na bigyang-hustisya ang walang-habag na pagpaslang na isinagawa ng mga pwersang militar at pulis ni Duterte.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170807-pananagutan-ni-duterte-ang-pagpaslang-kina-carlo-at-billy/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.