Propaganda article from Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jan 21): Paramilitar sa ComVal, naengkwentro ng BHB (An encounter between the NPA and the paramilitary in ComVal)
Ipinatutupad noong Disyembre 30, 2016 ng BHB-Comval Davao East Coast Sub-Regional Operations Command ang kautusan sa pagdisarma sa grupong paramilitar na Mandaya Ancestral Defense Unit (MANADU) nang makasagupa nila ang grupo sa Sityo Calatagan, Brgy. Poblacion, Caraga, Davao Oriental.
Sumiklab ang labanan nang namutok ang mga pwersang paramilitar. Napatay sa labanan si Cupertino Banugan, kilalang warlord at lider ng MANADU, kapatid nitong si Ramon at kamag-anak na si Dodo Banugan. Nakumpiska ng BHB ang dalawang matataas na kalibreng baril. Apat na Pulang mandirigma ang sugatan sa engkwentro.
Kasabwat ang Armed Forces of the Philippines, naghahasik ng lagim sa mga magsasaka at Lumad sa Caraga ang MANADU mula pa noong panahon ni Arroyo sa ilalim ng gerang panunupil na Oplan Bantay Laya.
Ginamit ni Cupertino ang kanyang pagiging datu upang kamkamin ang mahigit 14,000 ektaryang lupang pagmamay-ari ng pamilyang Iligan, Bayon, Silat, Tibay at Panin sa Caraga. Sapilitan din niyang pinagbabayad ng upa sa lupa ang mahihirap na magsasakang Mandaya. Aabot sa P2 milyon ang kanyang nakukolekta taun-taon mula sa pangingikil.
Responsable rin ang mga Banugan sa pagpaslang kay Romeo Mapando, Modesto Lagungan at Male Lagungan. Pinagtangkaan naman nilang patayin sina Julieto Bayon at Bitoy Usto. Karamihan ng biktima ng magkapamilyang Banugan ay mga residente sa Caraga na inagawan ng lupa at tumututol sa kanilang paghahari.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170121-paramilitar-sa-comval-naengkwentro-ng-bhb/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.