Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 7, 2019): Paninindak ng mga operasyong ala-Oplan Sauron, laganap sa buong bansa
Patuloy ang paglulusnad ng mga operasyon tipong-Oplan Sauron, kung saan nilulusob at sinasakop ng mga sundalo at pulis ang buo-buong mga barangay para sindakin, supilin at dahasin ang mga residente.
Sa Masbate, walong barangay ang sinakop ng mga sundalo ng 2nd IB at Military Intelligence Company at mga pulis simula nitong huling linggo ng Mayo. (Tingnan ang detalye sa pahina 4.) Sa Barangay Dalipe, iligal na inaresto ang 11 residente.
Sa North Cotabato, nagkampo naman ang mga elemento ng 73rd IB sa mga kabahayan sa Sityo Bantaan, Barangay Bagumbayan, Magpet noong Mayo 28.
Sa Davao Oriental, kinampuhan ng mga sundalo ng 67th IB ang mga kabahayan at simbahan sa mga barangay ng Binbondo at Mahan-ub, sa bayan ng Baganga noong May 27-29.
Sa isang asembliya, ipinahayag ng mga magulang ang kanilang pangamba at takot dahil sapilitang silang pinapipirma ng mga dokumento para hindi papasukin ang kanilang mga anak sa mga paaralang pangkomunidad. Binantaan silang pagkakaitan ng 4Ps kung hindi susunod.
Samantala, noong Mayo 18, nilusob ng mga paramilitar na Alamara, kasama ang mga sundalong nakasibilyan, ang UCCP Haran sa Davao City kung saan pansamantalang naninirahan ang mga magsasakang Lumad mula sa Talaingod, Davao del Norte.
Sapilitan nilang kinuha ang 31 at isinakay sa isang trak at pinalabas na “tumakas.” Pinangangambahan ng grupong Pasaka na sisindakin ang 31 para gamitin ng militar at pulis laban sa mga bakwit.
Sa Negros Oriental, iligal na inaresto ng mga sundalo si Jiesel Castin ng grupong Anakbayan-Negros noong Mayo 24 sa Siaton. Pinalalabas ng militar na si Castin ay “sumurender” ngunit hindi siya inililitaw ng mga sundalo.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/2019/06/07/paninindak-ng-mga-operasyong-ala-oplan-sauron-laganap-sa-buong-bansa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.