Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 7, 2019): Medalya at promosyon para sa pasismo
Medalya at promosyon ang gantimpala ni Duterte sa kanyang mga alipures sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Noong Hunyo 5, kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang promosyon ng 50 upisyal ng militar na nanguna sa militarisasyon at pag-abuso sa kanayunan. Ang mga promosyong ito ay rurok ng inhustisya, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Duguan ang kamay ng mga mersenaryong sundalo ni Duterte at bawat medalyang iginagawad sa kanila ay dagdag na pagpaslang sa mga katutubo at magsasaka.
Kabilang sa kinumpirma ng CA sina Lt. Gen. Felimon T. Santos, kumander ng Eastern Mindanao Command, na hanggang sa kasalukuyan ay naghahasik ng teror at mga paglabag sa karapatang-tao sa mga rehiyon ng Davao at Caraga. Itinaas din ang ranggo ni Maj. Gen. Gilbert Gapay, kumander ng Southern Luzon Command, na lumusob sa mga komunidad ng mga magsasaka at katutubong Mangyan sa Mindoro at Dumagat sa Quezon. Nambomba ito sa Mindoro na nagresulta sa sapilitang pagbabakwit ng halos 1,000 Mangyan mula sa kanilang mga tahanan at kabuhayan.
Dagdag pa sa listahan ng mga ginawaran ng promosyon sina Col. Jonathan Gayas, upisyal sa saywar ng 3rd ID at Brig. Gen. Alberto Desoyo ng 303rd IBde na kapwa nakabase sa Negros. Responsable ang dalawa sa walang habas na militarisasyon, tortyur at masaker sa isla.
Samantala, itinalaga naman noong Mayo 27 bilang pinuno ng National Commission on Indigenous Peoples si dating Col. Allen Capuyan. Bago nito, si Capuyan ay itinalaga ring Executive Director ng national secretariat ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ilan pa sa nabigyan ng promosyon ang mga upisyal ng batalyon at brigada ng AFP na naglulunsad ng mga operasyong intel, saywar at sapilitang nagpapasurender ng mga sibilyan.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/2019/06/07/medalya-at-promosyon-para-sa-pasismo/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.