Friday, June 7, 2019

CPP/Ang Bayan: Batas ng pasismo, iniraratsada

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 7, 2019): Batas ng pasismo, iniraratsada

Mas masahol na pag-amyenda sa Human Security Act (HSA) o Anti-Terror Law at Mandatory ROTC sa Senior High School ang minamadaling maisabatas ng rehimeng Duterte bago magtapos ang ika-17 Kongreso. Sa pagpasok naman ng ika-18 Kongresong dominado ng mga basalyo ni Duterte, inihahanda na rin ang batas para sa Mandatory Military Service.

Pinapalabo ng panukalang pagbabago sa HSA ang depinisyon ng terorismo. Sa simpleng pagsuspetsa pa lamang, maaaring tiktikan, arestuhin, at ikulong ng dalawang linggo ang sinuman. Dahil sa pinasaklaw na kahulugan, maging ang mga rali at welga ay maaaring ituring na “terorismo.” Taong 2007 nang tinutulan ng mga demokratikong sektor ang mga mapanganib na probisyong ito.

Samantala, minamadali ring ibalik ang ROTC o pag-oobliga sa mga estudyante na sumailalim sa pagsasanay-militar. Lalo nitong palalakasin ang dominasyon ng militar sa iba’t ibang aspeto ng buhay lipunan, kabilang ang paghuhubog sa kabataan. Ipagdidikdikan nito ang militaristang pananaw sa kabataan para hubugin ang pagiging sunud-sunuran.

Tanging hangarin ng pagpapabilis ng pagpasa sa mga batas na ito ang pagsupil sa naghihirap at nagngangalit na mamamayan at iwasiwas ang kapangyarihan para sa pagbubuo ng kanyang diktadura.

Kontra-endo. Nagwelga ang mga manggagawa ng Zagu Foods Corporation noong Hunyo 6 sa harap ng upisina ng kumpanya sa Barangay Kapitolyo, Pasig City. Nilalaban ng mga welgista ang endo at di-pagbibigay ng sapat na benepisyo ng kumpanya. Sunud-sunod din ang pagbabanta ng kumpanya laban sa unyon.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://www.philippinerevolution.info/2019/06/07/batas-ng-pasismo-iniraratsada/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.