Friday, June 7, 2019

CPP/Ang Bayan: Ligalig ng “Kapanatagan”

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 7, 2019): Ligalig ng “Kapanatagan”

Pinirmahan noong Enero 10 nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Benjamin Madrigal Jr. at Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang Joint AFP-PNP Campaign Plan “Kapanatagan” 2019-2022 upang pahigpitin ang ugnayan at tulungan ng mga pwersang militar at pulis sa kontra-insurhensya at kampanyang panunupil.

Deklaradong layunin nito ang “sugpuin ang lahat ng banta sa seguridad ng bansa.” Nakaangkla ang “Kapanatagan” sa inilabas na Executive Order 70 ni Rodrigo Duterte na nagtatag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Sa ilalim ng “Kapanatagan,” bubuuin sa mga rehiyon ang mga Joint Peace and Security Coordinating Committee kung saan kabilang ang AFP, PNP, mga lokal na gubyerno at sibilyang ahensya. Kontrolado ng AFP ang pondo ng mga operasyon ng “Kapanatagan.” Mayroon din itong direktang kumand sa PNP at halos walang kapangyarihan ang mga otoridad ng mga lokal na gubyerno sa mga sakop nilang kapulisan. Sa National Capital Region, tinawag itong Implementation Plan “Kalasag.”

Pangungunahan ng militar ang pag-atake sa mga inaakusahan nitong “komunista” at mga organisasyon na umano’y mga “prente ng komunista” sa kanayunan man o mga syudad. Magsisilbi namang suportang pwersa ang pulisya sa mga operasyong kombat ng AFP. Maliban dito, ang PNP ang mangunguna sa pag-aresto, pagtatanim ng ebidensya at pagsasampa ng inimbentong mga kaso laban sa mga target na indibidwal.

Sa ilalim ng “Kapanatagan,” ang ipinatupad na Oplan Sauron sa isla ng Negros noong Disyembre 2018-Enero 2019. Parehong mga taktika ang ginagamit sa ibang bahagi ng bansa.

Sa Masbate, iniulat ng BHB noong Mayo 31 ang pananalasa ng “Kapanatagan” sa mga barangay ng Dalipe, Panan-awan, RM Magbalon, Guiom, Taberna, Cabayugan, Calumpang at Iraya sa bayan ng Cawayan. Hinahalihaw ng 2nd IB at PNP-Masbate ang lugar at pinipilit ang mga punong barangay na pumirma ng kasunduang nagbabawal sa mga residente na sumama sa mga rali. Pwersahang pinasok ng mga sundalo at pulis ang mga bahay at ninakaw ang mga personal na gamit, kabilang ang 80 kaban ng palay, mga alagang hayop at P11,000 ipon ng mga residente.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://www.philippinerevolution.info/2019/06/07/ligalig-ng-kapanatagan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.