Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 7, 2019): Organisador ng unyon, hinatulan
Nakapangangalit at di makatarungan. Ito ang naging pahayag ng Karapatan sa hatol ng San Mateo Rizal Regional Trial Court Branch 76 sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms laban sa unyonistang si Marklen Maojo B. Maga noong Hunyo 3. Labis ang pagkadismaya ng pamilya ni Maga sa hindi katanggap-tanggap na hatol ng korte.
Haharap sa 8-taong pagkabilanggo si Maga. Kasalukuyan siyang nakakulong sa Metro Manila District Jail 4 sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Nakatakda siyang ilipat sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa. May kinakaharap din siyang gawa-gawang kasong pagpatay sa Agusan del Norte, sa lugar na hindi pa niya napupuntahan.
Inaresto si Maga noong Pebrero 22, 2018 malapit sa kanilang bahay sa San Mateo, Rizal. Kilala siyang organisador ng Piston.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/2019/06/07/organisador-ng-unyon-hinatulan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.