Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 7, 2019): Writ of Amparo at habeas data, inilabas
Inilabas ng Korte Suprema ang writ of amparo at habeas data pabor sa mga grupong Karapatan, Gabriela at Rural Missionaries of the Philippines nitong Mayo 24. Sa ilalim ng mga kautusang ito, inoobliga ang mga ahensya ng estado na itigil ang pagtugis at pagbabanta laban sa mga grupong ito habang hindi nito napatutunayan o nabibigyang-katwiran ang ganitong mga hakbangin.
Ang apela ay isinampa ng naturang mga grupo matapos ang walang-lubay na pagbabanta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa kanila sa anyo ng pagtaguri sa mga ito bilang mga “prenteng organisasyon” ng PKP. Iginigiit ng mga grupong ito na ang sunud-sunod na pagpatay, pagsasampa ng gawa-gawang kaso, panggigipit at paninindak sa kanilang mga myembro ay karugtong ng mga pampublikong pagbabanta ng AFP laban sa kanila.
Ang writ of amparo ay proteksyon ng Korte Suprema sa mga grupong tinutugis ng estado. Ang habeas data naman ay nag-oobliga sa ahensya ng estado na ilabas at sirain ang lahat ng dokumento o impormasyon na tinipon ng militar at pulis laban sa mga grupong ito.
Mistula itong sampal sa mukha ng AFP. Gayunpaman, ang pinal na kautusan ay ilalabas ng korte pagkatapos ng mga pagdinig sa apela. Ang unang pagdinig ay isasagawa sa darating na Hunyo 18.
Ito na ang ikalawang pagkakataon sa loob ng isang buwan na nagbigay ng writ of amparo at habeas data ang Korte Suprema. Noong Mayo 3, pinaburan din nito ang petisyon ng National Union of People’s Lawyers. Sa pagdinig ng Court of Appeals nitong Hunyo 6, hindi humarap ang mga kinatawan ng AFP.
Samantala, ipinasa sa ikatlong pagbasa noong Hunyo 3 sa Mababang Kapulungan ang isinusulong na panukalang batas para bigyang-proteksyon ang mga tagapagtanggol ng karapatang-tao. Bumoto pabor sa batas ang 183 mambabatas.
Ang pagsusulong ng panukalang batas ay pinangunahan ng mga kinatawan ng Makabayan bloc at ni Rep. Edcel Lagman. Itinatakda ng panukala na pangalagaan ang seguridad ng mga tagapagtanggol ng karapatang-tao laban sa mga pang-aabuso at paglabag sa kanilang karapatan. Kung maisasabatas, lilikha ito ng Human Rights Defenders Protection Committee na pangungunahan ng Komisyoner ng Commission on Human Rights at anim pang kasapi na inonomina ng mga organisasyon.
Nakapagtala ang Karapatan ng pagpaslang sa 697 tagapagtanggol sa karapatang-tao simula 2001 hanggang 2018.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/2019/06/07/writ-of-amparo-at-habeas-data-inilabas/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.