NPA-Camarines Sur propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 12): Dalawang operasyong Isnayp, Isinagawa ng NPA-Kanlurang Camarines Sur
Michael Robredo, Spokesperson
NPA-Camarines Sur (Norben Gruta Command)
12 March 2018
Press Release
Matagumpay na isinagawa ng Norben Gruta Command (Bagong Hukbong Bayan- Kanlurang Camarines Sur) ang dalawang magkasunod na operasyong isnayp sa Camarines Sur ngayong Marso.
Noong Marso 10, 10:10 n.u., sa Barangay Mabini, Del Gallego, inisnayp at napatay ng Pulang mandirigma si Jaime San Juan, mula sa distansyang 200 metro. Si San Juan ay aktibong elemento ng 22nd IB, CAA (CAFGU Active Auxillary).
Noong Marso 12, 7:35 n.u., muling naglunsad ng isnayp, mula sa distansyang 100 metro, sa detatsment ng 22nd IB,CAA sa Barangay Casay, Lupi. Dalawang elemento ng kaaway ang tinamaan; isa dito ay patay habang ang isa ay sugatan lamang.
Ang mga aksyong ito ay tugon ng NGC sa karahasan ng teroristang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa 1st District, Camarines Sur, partikular sa Ragay, kung saan ang mga residente ay pinaparatangang tagasuporta ng NPA. Nitong nakaraang Pebrero, mahigit 30 residente ng Barangay Patalunan ang pina-report sa Munisipyo upang “linisin” ang kanilang mga pangalan. Sa iba’t ibang mga baryo, tinatakot at pinipilit ang mga Kapitan at Barangay Council na maglabas ng mga diumano’y “simpatisador” ng NPA.
Ang paglabag ng AFP sa karapatang pantao ay naglalayong takutin at supilin ang lumalakas na militanteng paglaban ng mamamayan para sa kanilang lehitimong interes. Bahagi rin ito ng iskemang “pagpapasurender” upang mapagkakitaan ng AFP ang pabuya sa bawat “surrenderee”. Maging ang mga CAFGU, bukod sa ginagawang panangga lamang ng AFP, ay kinakasapakat sa iskemang ito.
Sa kabila ng sunod-sunod na paglabas ng mga “pekeng balita” hinggil sa pagsurender ng mga NPA, ang patuloy na operasyon ng NPA sa iba’t ibang lugar ay patunay na patuloy na lumalakas ang tunay na hukbo ng masa at muling mabibigo lamang ang AFP sa paulit-ulit nitong pagtakda ng “deadline” sa pagsupil sa NPA. Ang bawat operasyong militar ng NPA ay ambag din sa lumalakas na panawagang labanan at patalsikin ang tuta, pasista, diktador at teroristang si Rodrigo Duterte.
Nananawagan ang Norben Gruta Command sa mamamayan na patuloy na ipaglaban ang kanilang karapatan. Kasaysayan ang nagpapatunay na ang tunay na pagbabago ay nasa kamay ng masang lumalaban. Sa mga CAFGU na ginagamit lamang ng AFP, pagsilbihan ninyo ang inyong mga kababayan, at abandonahin na ang lumulubog na rehimeng walang interes na itaguyod ang kapakanan nating mga inaapi’t pinagsasamantalahan ng mga naghahari-harian.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.