Monday, March 12, 2018

CPP/Ang Bayan: 10 armas, nasamsam ng BHB-Quezon

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 7): 10 armas, nasamsam ng BHB-Quezon






Sampung armas ang nasamsam ng BHB-Quezon (Apolonio Mendoza Command o AMC) mula sa tatlong magkakasunod na aksyong militar nitong nakaraang linggo.

Sa Bondoc Peninsula, matagumpay na inilunsad ng AMC ang dalawang magkasunod na operasyong reyd at ambus noong Pebrero 26 at 27. Nakumpiska mula rito ang 10 iba’t ibang kalibreng baril, kabilang ang anim na M16 at dalawang kalibre .22 na riple.

Unang nireyd ng BHB ang detatsment ng private army ng Tumbaga Ranch na pagmamay- ari ng pamilyang Murray sa Barangay Pagsangahan, San Francisco, noong Pebrero 26 nang alas-5 ng hapon. Mabilis at walang putok na nakontrol at nadisarmahan ng mga Pulang mandirigma ang mga armadong tauhan ng despotikong panginoong maylupa na si James Murray.

Samantala, hinuli at binigyan ng mahigpit na babala bago pinalaya ang anim na armadong tauhan ni Murray kabilang ang dalawang aktibong myembro ng CAFGU. Matapos nito, sinunog ng BHB ang nasabing detatsment.
Kinabukasan, inambus ng AMC ang pwersang panreimpors ng 85th IB na nakasakay sa isang trak ng militar bandang alas-9 ng umaga sa Barangay Bacong Ilaya, General Luna. Lima ang kumpirmadong patay at siyam ang sugatan na sundalo. Dinala ang mga ito sa morge at mga ospital sa bayan ng Catanauan habang ang mga malulubha ay inilipat ng ambulansya sa ospital sa Lucena.

Ayon kay Ka Cleo del Mundo, tagapagsalita ng AMC, bukod sa mga nabanggit na labanan ay wala nang naganap na labanan sa pagitan ng BHB at AFP sa Bondoc Peninsula. Pinabulaanan din ni Ka Cleo ang mga fake news na ikinalat ng tagapagsalita ng AFP na may naganap pang labanan sa Barangay 9 ng Poblacion ng Catanauan at sa Barangay Panaon, Unisan. Pinasinungalingan din niya ang mga pinakalat ng AFP tungkol umano sa dinukot na mga sibilyan. Aniya, nagkakabuhol-buhol na ang mga pahayag ng AFP sa pambabaluktot ng mga balita laban sa BHB at rebolusyonaryong kilusan.

Samantala, isang tauhan ng CAFGU ang napatay matapos paputukan ng BHB ang detatsment nito sa Barangay Del Rosario Lopez, Quezon noong Pebrero 28, alas-9 ng umaga.

Ayon pa sa AMC, bahagi ito ng paglaban ng rebolusyonaryong kilusan sa rehimeng US-Duterte. Labis na ang idinulot na karahasan at terorismo ng bayarang AFP kaya marapat lamang na tumbasan din ito ng makatwirang himagsikan sa pamamagitan ng pagsusulong ng dig- mang bayan.

Mindoro. Isang operasyong isnayp ang inilunsad ng BHB-Mindoro (Lucio de Guzman Command o LdGC) laban sa detatsment ng CAFGU sa Barangay Benli, Bulalacao, Oriental Mindoro noong Pebrero 24, bandang alas-8:30 ng umaga. Agad na nasawi ang CAFGU na si Domingo Berber.

Negros. Tatlong shotgun ang nakumpiska ng Mt. Cansermon Front Operational Command mula sa magkakasunod na aksyong dis-arma noong Pebrero 10-20 sa ilang barangay ng Bindoy at Manjuyod sa Negros Oriental. Target ng naturang mga aksyon ang masasamang elemento na nakikipagsabwatan sa AFP sa kontra-insurhensya.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. It is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20180307-10-armas-nasamsam-ng-bhb-quezon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.