July 27, 2023
Nagtipun-tipon ang mga rebolusyonaryong lider ng simbahan, mga pari, pastor, mga relihiyosong lalaki at babae at mga laykong taong-simbahan sa isla ng Negros kamakailan para sa ikalawang kongreso ng Christians for National Liberation (CNL)-Negros. Binuo ng kongreso ang taktikal na plano ng CNL sa rehiyon at naghalal ng panrehiyong konseho at mga upisyal. Inihalal ng CNL-Negros si Ericson Buglas bilang tagapangulo.
Ipinagbunyi nila ang matagumpay na pagtitipon, na ginanap “sa harap ng mapanlinlang na iskema at kontra-rebolusyonaryong opensiba ng rehimeng US-Marcos Jr.”
Ayon kay Buglas, napagtibay ang pagkakaisa ng mga delegado ng kongreso sa pag-aaral ng pambansa at panrehiyong panlipunang sitwasyon at pagtatalakay sa mga naging kaisahan at Limang Puntong Programa ng CNL na nabuo noong Setyembre 2022 sa ika-9 nitong Pambansang Kongreso.
Nilaman ng pambansang programa ng CNL ang: 1. Konsolidahin at palawakin ang ating hanay; 2. Lumahok at suportahan ang armadong pakikibaka; 3. Lumahok sa anti-pasista, anti-pyudal na kilusang masa at parlamentaryong pakikibaka; at itulak ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at NDFP; 4. Himukin ang pamunuan ng institusyunal na simbahan para suportahan ang pambansa demokratikong rebolusyon at talikuran ang pagsuporta sa mga reaksyunaryo; at 5. Pakilusin ang internasyunal na network para suportahan ang pambansa demokratikong rebolusyon.
Nagtapos ang naturang kongreso sa pagkilala at pagbibigay-pugay ng CNL-Negros sa mga martir ng rebolusyonaryong kilusan na nag-alay ng kanilang buhay at dugo para sa pagsusulong pambansang pagpapalaya sa pamamagitan ng rebolusyonaryong liturhiya.
Matatandaang noong Enero 19, iniulat ng CNL-Negros ang pagdaraos ng isang kumperensya ng mga kasapi nito. Dumalo sa sikretong pagtitipon ang mga rebolusyonaryong Kristyano mula sa iba’t ibang simbahan, denominasyon, kongregasyon at institusyon sa isla.
Ang CNL ay isang lihim na organisasyon na kumakatawan sa mga rebolusyonaryong taong-simbahan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Itinatag ito noong Agosto 1972.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/ikalawang-kongreso-ng-christians-for-national-liberation-negros-inilunsad/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.