July 25, 2023
Pinasinungalingan ni Ka Cecil Estrella, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Negros, noong Hulyo 23 ang pinalalabas ng 79th IB na nakasamsam ito ng mga kagamitang militar ng BHB sa Sityo Bandol, Barangay Maaslob sa Calatrava, Negros Occidental.
Ayon sa pahayag ng 79th IB, nakakuha ito ng ripleng M14 at mga magasin at bala, mga magasin ng M16, at iba pang mga kagamitang militar at dokumento noong Hulyo 8. Ang mga ito, anang militar, ay “inimbak ng natitirang mandirigma ng patay nang larangang gerilya sa Northern Negros.”
Binatikos ni Estrella ang naturang palabas ng militar at sinabing hindi pag-aari ng yunit ng BHB sa Northern Negros ang naturang mga kagamitan.
“Lunsay kabutigan ang nasambit nga pahayag. Wala sang yunit sang NPA sa amo nga lugar. Wala man sang armory sang armas-luthang ang NPA sa amo nga lugar,” ayon kay Estrella. (“Pawang kasinungalingan ang nasabing pahayag. Walang yunit ng BHB sa nasabing lugar. Wala ring armory ng armas pandigma sa nasabing lugar.”)
Aniya, ang gawa-gawang kwento ay pagbibigay-katwiran ng 79th IB para sa inilulunsad nitong focused military operation (FMO) at para okupahin ang naturang barangay. Pinasinungalingan din niya ang sinasabi ng militar na galing sa impormasyon ng mga residente ang itinurong lokasyon ng imbakan ng armas.
Alam ng mamamayan ng Northern Negros ang katotohanan at katangiang pasista ng mga sundalo ng 79th IB, aniya. “Alam nila ang rekord ng AFP sa paggawa ng mga kwento, pagtatanim ng ebidensya at paninisi sa BHB sa mga aksyong sila naman ang gumawa.”
Sa tala ng Ang Bayan, mayroong 22 kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang 79th IB sa unang taon sa poder ng rehimeng Marcos Jr. Ang batalyon ay pinamumunuan ni Lt. Col. Arnel Calaoagan at nakabase sa Barangay Bato, Sagay City, Negros Occidnetal.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/nasamsam-ng-militar-na-armas-ng-bhb-sa-negros-occidental-palabas-ng-79th-ib/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.