Thursday, July 27, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Kabi-kabilang panggigipit, naranasan ng mga estudyante

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda article posted to the Philippine Revolution Web Central (PRWC), the website of the Communist Party of the Philippines (CPP) (Jul 26, 2023): Kabi-kabilang panggigipit, naranasan ng mga estudyante (The students experienced a lot of pressure)
 





July 26, 2023

Nakaranas ng iba’t ibang porma ng panggigipit at intimidasyon sa kamay ng pulis at militar sa kanilang mga paaralan ang mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad nitong nagdaang mga linggo.

Sa Pampanga, sapilitang pinahinto ang isang pagsasanay ng pamamahayag na inilunsad ng lokal na balangay ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP)-Central Luzon at Altermidya nang may dalawang nakasibilyang sundalo ang tumungo sa mismong benyu ng kanilang pagtitipon noong Hulyo 22.

Tinangka pang kausapin ng nagpakilalang mga sundalo ang namamahala sa benyu upang alamin kung sinu-sino ang kalahok at nagpaalam na kukuhanan ng litrato ang aktibidad. Ipinakita rin nila ang litrato ni Kleng Mendiola na coordinator ng CEGP-CL na kanilang hinahanap. Nagbanta na lamang silang susundan ang mga kalahok nang hindi pinayagan ng namahahala sa benyu.

“Mariing kinukundena ng CEGP-CL ang lantarang panggigipit sa mga kabataang nakilahok sa talakayan. Isa itong pagtatangkang busalan at takutin ang mga kabataang nais tahakin ang landas ng militanteng pamamahayag,” pahayag ng grupo.

Ilang estudyante naman ng kursong Development Studies sa University of the Philippines sa kampus ng Maynila ang napilitang ihinto ang isinasagawa nilang isang buwang integrasyon sa komunidad ng Barangay Silongin, San Francisco sa prubinsya ng Quezon noong Hulyo 13. Ito ay matapos tinarget sila ng intimidasyon at sarbeylans ng mga sundalo ng 85th IB kahit na mayroon silang mga dokumento at permiso mula sa lokal na gubyerno.

Sa ikaapat na araw ng pananatili upang aralin ang kalagayan ng komunidad, pinuntahan sila ng mga sundalo para i-profile. “Nagtanong (sila) kung sinu-sino kami, kailan kami dumating, hanggang kailan kami rito, at anu-ano pa ang aming mga ginagawa,” kwento ng mga estudyante.

Pilit din silang kinunan ng litrato pero hindi sila pumayag. Pumunta sila sa barangay hall para ipa-blotter ang insidente pero nagresulta lamang ito ng mas madalas pang pagdalaw ng mga sundalo. Dahil dito, napagpasyahan na lamang nilang lumisan at maghanap ng ibang paraan para matapos ang rekisito sa kanilang kurso.

“Hindi terorismo ang pag-aaral ng lipunan, pagtindig sa karapatan, at pagbibigay-tulong sa mga komunidad. Bagkus, ito ay tungkulin ng mga tunay na iskolar ng bayan,” anang mga estudyante.

Sa Maynila, halos 10 pulis ang nagsubok na pumigil sa protesta ng mga estudyante ng University of the East noong Hulyo 21 sa harap mismo ng kanilang pamantasan para tutulan ang nakaambang 9.5% na pagtaas sa kanilang matrikula. Inagaw sa kanila ang megaphone pero ipinagpatuloy pa rin ng mga estudyante ang kanilang programa.

“Mga kapulisan, hindi dapat kami binabantayan ninyo! Binabantayan ninyo dapat ang mga buwayang pinagkakakitaan lang ang kabataan ng UE!” sigaw nila.

https://www.blogger.com/blog/post/edit/4004111469161356591/6083898478919122641


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.