July 26, 2023
Binatikos ng grupong Migrante ang mga pahayag ni Ferdinand Marcos Jr na patakaran ng kanyang rehimen kaugnay sa mga migranteng Pilipino.
“Kabaligtaran at hindi sinsero ang pahayag na gagawing option at hindi sapilitan ang paglabas ng bansa ng ating mga kababayan upang maghanapbuhay kung aktibong nakikipag-usap sa ibat ibang mga bansa at pumipirma ng mga kasunduan para mag deploy ng mas marami pang mga Pilipino na maging kontraktwal na manggagawa. Nakatuon pa ang edukasyon at pagsasanay sa pagsilbi sa interes ng mga dayuhan,” reaksyon ng grupo sa pangalawang SONA ni Ferdinand Marcos Jr.
Nitong nakaraang mga buwan, aktibong nilako ng Department of Migrant Workers ang mga manggagawang Pilipino sa Singapore, Austria, at sa prubinsya ng Alberta sa Canada. Katunayan, pinuri niya sa kanyang talumpati ang nabuong mga baylateral na mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at naturang mga bansa.
Mahigit apat na dekada na ang labor export program ng Pilipinas pero hanggang ngayon ay wala pa ring mabuong kongkreto at epektibong mga hakbang at plano ang reaksyunaryong estado para protektahan at itaguyod ang karapatan ng mga OFW. Kabilang sa mga ito ang libu-libong migrante na sinisante sa Saudi Arabia, noon pang 2015 pero hanggang ngayon ay hindi pa nakatatanggap ng pinaghirapan nilang sahod at benepisyo. Limang taon na silang naghihintay para singilin ito ng gubyerno ng Pilipinas sa kanilang mga employer sa Saudi Arabia, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatamasa. Ayon sa DMW, wala itong magagawa dahil ipinaubaya ng gubyerno ang “internal na mga proseso” ng Saudi Arabia.
Binatikos din ng grupo ang pakanang huthutan ng dagdag na mga singil ang mga migrante sa ngalan ng “digitalization” ng pagkuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) o OFW Pass sa balangkas ng “pagpapahusay ng efficiency” ng estado. “Hindi lumalayo ang posibilidad na gagamitin ito para sa pangungulekta ng mga sapilitang bayarin tulad ng Philhealth, SSS at iba pa na matagal ng tinututulan ng ating mga OFWs,” anito.
Ang OEC/OFW Pass ay isang dokumento na kailangang kunin at bayaran ng lahat ng OFW bago sila makalipad tungo sa ibang bansa. Malaon nang panawagan ng Migrante ang pagbabasura rito dahil dagdag lamang ito sa binabayaran sa kanila. Anila, dapat sapat nang patunay ang beripikadong mga kontrata at working visa na nakatatak sa kanilang mga pasaporte na ang isang OFW ay lehitimong manggagawa.
Binatikos rin ng grupo ang pananahimik ni Marcos sa kapakanan ng mga marino na patuloy na nakikipaglaban para sa trabaho, katiyakan at kaligtasan sa trabaho, mas mataas na sahod at dagdag na benepisyo.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/patakaran-sa-mga-migrante-kabaliktaran-sa-nakasaad-sa-sona-ni-marcos/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.